CHAPTER SIX - In My Dreams

1490 Words
Timothy Two years ago, kasama si Dara sa isang international youth camp sa Malaysia. We were in the last quarter as Grade Eight students then. On the last day of the camp, nagpunta ang ilan sa grupo nila sa kabilang isla para i-observe ang isang tribe doon na  na-maintain ang kultura ng mga ito kahit na ilang daang taon na ang nagdaan. Dara is interested in arts and music and it was a good exposure for her. Pero hindi na nakabalik ang mga kasama doon dahil sa paglubog ng ferry dulot ng masamang panahon. It was heartbreaking. Hindi na nakita ang katawan niya at parte ng puso ko ang umaasa na buhay pa rin siya.  “Halika, sasamahan na kitang paahunin si Dara,” alok ni Tito Basilio at tumayo. Naguguluhan man pero sumama ako sa kanya. Narinig ko pa na excited si Tita Eleonor na dumating na ang lobster na ipapaluto nito para sa tanghalian mamayang hapunan. Paborito iyon ni Dara. “Tito, what happened to Tita Eleonor?” tanong ko nang nakalabas na kami sa gate ng resort at naglalakad-lakad sa beach. Malayo na kami sa paningin nina Tita Eleonor at Eloise. She won’t hear us from here. “Bakit po kung magsalita siya parang nandito pa rin si Dara?” Tumingin ito sa direksyon na pinagmulan namin, parang gustong tiyakin na walang ibang nakakarinig. “Alam mo naman na naging reclusive siya for two years since Dara was gone. It was tough. Nagpa-consult kami sa isang magaling na psychologist abroad. Na-encourage naman siyang lumabas ng kuwarto and live her life normally like she used to. However, in her mind, Dara is still alive. Parang sa isip niya, buhay pa rin si Dara at nasa paligid. Di lang niya nakikita.” Huminga ito ng malalim. “Iniisip niya na si Dara nandito lang sa dagat katulad kanina.” Iba’t iba daw ang paraan ng tao para makapag-deal sa sakit na nararamdaman nito. I could understand her in a way. May sarili rin akong paraan para makawala sa sakit na nararamdaman ni Tita Eleonor. I was unsuccessful and unhappy. I was never the same way again after that tragedy. “H-How do you cope?” tanong ko kay Tito Basilio. It must be tough losing a daughter and his wife losing her mind.  “Sinasakyan na lang namin ni Eloise. This is better than letting her stay inside her room at ayaw kumain o maligo. I think she’s getting better.” Pilit itong ngumiti. “Not that normal yet but at least she’s happier now.” For two years, I also didn’t keep in touch with them. Not that much. Ni hindi ako nakakabisita sa bahay ng mga Valuarte. Nilunod ko ang sarili ko sa pag-aaral at paglalaro ng mobile games para makalimutan si Dara. It was my escape.  I felt bad that I didn’t check on Dara’s parents. Minsan nagkukwento si Eloise na nakatira rin sa mansion ng mga Valuarte pero nagpapagamot na daw si Tita Eleonor. Kaya nga sumama ako sa trip na iyon dahil akala ko normal na ulit si Tita Eleonor at para ipakita rin sa kanila na okay lang ako.  They were good to me and I didn’t do anything to help them out. Ni kumustahin man lang. I was drowning in my own grief. Di ko alam na ganito na pala kalala ang sitwasyon.I was worried. It was not easy to keep it together. Kita naman sa mukha ni Tito Basilio na hindi madali dito ang kondisyon ng asawa. This condition was Tita Eleonor’s defense mechanism so she wouldn't feel the pain. I don’t know if I should envy her. She looked happy… even if it was not real and Dara being alive was all in her head. Parang mas masaya na mabuhay sa mundo na buhay si Dara kahit hindi totoo. Pero gaya ni Tito Basilio, kailangan namin harapin ang kondisyon ni Tita Eleonor nang  may halong pag-iingat, “A-Ano pong sasabihin natin kapag ‘di natin kasama si Dara?” Tinapik niya ang balikat ko. “Ako na ang bahala.” “Sabihin lang po ninyo kung may maitutulong ako. I’ll try to keep in mind that Dara is still around like she used to.” Isang linggo akong magpapanggap na nariyan si Dara kahit na masakit at nakakalito.  Tumingala ako sa bughaw na langit. I came here to heal and to accept things, but things were getting complicated. I hope I can stay sane until the end of this vacation.  “How about you, are you okay?” nag-aalalang tanong ni Tito Basilio. “O-Opo,” sagot ko naman at pilit na ngumiti.  Hindi nawawala ang pag-aalala sa anyo nito. “Nasabi sa akin ng staff ng resort na lumabas ka daw at nakatulog sa may beach. Naabutan ka daw nakahiga doon kaninang madaling-araw.” Napakamot ako ng ulo. “Opo. Nagpahangin lang po ako sa labas. H-Hindi ko naman po alam na makakatulog ako.”  “Naalala mo pa ba ang nangyari sa iyo pagkatapos?” “Bumalik po ako sa kuwarto ko.” ‘Di ko na nga maalala iyon. Ayoko lang magpahalahata kay Tito Basilio dahil baka masermunan ako.  Bumuntong-hininga ito. “Pabuhat kang ibinalik ng staff at guard dito sa resort. Sila rin nagpasok sa iyo sa kuwarto mo dahil wala ka sa huwisyo. May nakatisod daw sa iyo na lokal dito. Mabuti na lang hindi ka gaanong nasaktan at hindi  masasamang loob ang nakatagpo sa iyo.” Natahimik na lang ako dahil wala na akong maalala. ‘Di na rin ako pwedeng magkunwari dahil buko na ako. Nagpatuloy si Tito Basilio, “Tapos may niyakap ka daw na dalaga nang sinubukan kang gisingin.” Napamulagat ako. “Po? G-Ginawa ko po iyon?” “Oo. Nasobrahan ka ata sa mango liqueur. Sabi ko sa iyo, hinay-hinay lang.” Bahagya akong may naalala sa pangyayari. “Sorry po, Tito. Akala ko po si Dara at nanaginip lang ako. I swear.” Itinaas ko ang isang kamay. “Hindi ako basta-basta nangyayakap ng babae. Kahit po si Dara dati, I was always respectful. I-I was not myself.” And I miss Dara. A lot.  “Nakakahiya po. Sorry po talaga. Sino ang babae?” “Ibibigay daw ng staff mamaya ang information dahil tagadito lang at magde-deliver lang dapat ng lobster sa resort. Mabuti na lang hindi ka idinemanda.” Naitakip ko ang mga palad sa mukha sa sobrang kahihiyan. “Hindi ko po talaga alam.” “I’m just worried about you.” Kahit ‘di nito sabihin, marahil ay iniisip nito na may PTSD ako o post-traumatic stress disorder ako gaya ni Tita Eleonor kaya ko iyon nagawa. Sure, I was sad for a long time but I was just drunk this time. “May tiwala naman ako sa iyo na mabuti kang bata at hindi ka bastos sa mga babae.”  Tumango ako. “Of course, Tito. Maayos po akong pinalaki ng parents ko. Kung nandito po si Mama, baka mapalo ako no’n kung pakiramdam niya nag-disrespect ako ng ibang babae.” Ni hindi pa nga ako nakapanligaw dahil naka-focus ako sa pag-aaral. At marespeto din ako sa mga babae. Alam ko ang lugar ko.  “Hindi ko sinabi kina Eleonor at Eloise ang tungkol dito.” Tumuro ito sa kanya. “Hindi ka muna iinom ng anything alcoholic from now on. You have to be aware of your limits from now on. Even good people could go wild under the influence of alcohol. You don’t want to do things that you will regret later.” Tumango naman ako. “Opo. Hindi na po talaga.” Ayoko na ng hangover at uminom ng seaweed soup. “Magso-sorry po ako doon sa babae.” Tinapik niya ang balikat ko. “Tell me if you need help. Sasamahan kita kapag kailangan mong  mag-apologize sa babae.  Mag-agahan ka na and let’s have fun today. Marami tayong papasyalan.” Tahimik lang ako nang bumalik kami sa lanai. Hindi pa rin ako makapaniwala sa mga nalaman - na may PTSD si Tita Eleonor at iniiisip nito na buhay pa si Dara at  nangyakap ako ng babaeng ‘di ko kilala na akala ko ay si Dara. “O! Nasaan na si Dara?” tanong agad ni Tita Eleonor pagbalik namin.  “N-Nasa room na po niya at nagsa-shower. Nag-breakfast na daw siya kanina pa,”: sagot ko naman bago pa makasagot si Tito Basilio.  “Hindi man lang tayo sinabayan. Ganyan na ba siya mula nang manggaling sa boarding school?” “Hindi ka na nasanay sa batang iyon. Minsan may sariling mundo,” sabi naman ni Tito Basilio. “Don’t worry, tita. Nandito naman ako. Hindi po kita iiwan,” malambig naman na sabi ni Eloise at humilig pa sa balikat ni Tita Eleonor. I would do everything to protect Dara's memory and her family. Mula dito, kasama nila ako para tuluyang maka-recover sa pagkawala ni Dara.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD