TIMOTHY “Gusto mo ba talaga na kay Cintha ako pumunta at iwan na lang kita dito?” tanong ko kay Eloise sa mahinahong boses. Inangat niya ang ulo at matalim akong tiningnan. Basa ng luha at pawis ang mukha niya pero parang tigre si Eloise na mananakmal anumang oras. How could you betray me, Timothy? Akala ko kaibigan kita.” “Paano kita tinraidor?” kalmado kong tanong. Humikbi siya at piinunasan ang luha ng daliri. “You are siding with that girl. Gusto mo na maging parte siya ng pamilya namin.” “Whether you like it or not, she’s family. She’s a Valuarte,” matiyaga kong paliwanag sa kanya. “Anak siya ni Tito Basilio. Kung ano ang karapatan ni Dara bilang anak noong nabubuhay pa siya, gano’n din ang karapatan ni Cintha bilang anak.” “Siya lang ba talaga ang mahalaga dito? Siya lang ba

