Timothy Eloise held up her palm.“Wait. Don’t tell me iniisip ninyo na siya si Dara? Please, Tito.” At nasapo niya ang noo habang parang maluluha na. “I-I don’t know if I can accept this if you are also thinking that she’s Dara.” Natapik ko ang likod ni Eloise para pakalmahin siya. “Pakinggan mo muna si Tito Basilio,” bulong ko sa malumanay na boses. She had been keeping it together for two years now. Sinubukan niyang maging normal at matatag mula nang mawala si Dara at naging recluse at wala sa sarili si Tita Eleonor. Kaya masakit para sa kanya kung pati ang tumatayong ama na naging sandigan niya ay parang mabubuwag na rin. “Eloise, listen. Anak ko si Cintha sa naging girlfriend ko noong college, noong bago ko pa pakasalan ang Tita Eleonor mo. Cintha’s mother died of childbirth and Cin

