NANG magising kinaumagahan si Mekylla ay masama ang kanyang pakiramdam. Pagmulat pa lamang ng kanyang mga mata ay nakakaramdam na siya ng kakaibang kaba. Kaba na ayaw niyang maramdam simula pa noon. Pakiramdam niya ay may mangyayaring hindi maganda sa araa na iyon. "Good morning, Flower!" Nagulat siya ng hagkan siya ni Hieven sa pisngi. Natatawang nilingon niya ito mula sa paghihiwa ng okra. Naisipan niyang magluto ng pinakbet sa umagang iyon. Naging paborito na rin iyon ni Hieven. "Good morning your face! Masakit pa din, Lucas Hieven." Napangiwi siya ng maramdaman ang pagkirot ng pagitan ng kanyang hita nang biglaan siyang gumalaw. Sinamaan niya ng tingin ang kasintahan na ngayo'y nakangisi, masaya pa sa sinabi niya. "Kasalanan mo ito. Hindi mo kasi ako tinigilan kagabi. Nakakainis ka!

