Chapter 35

2082 Words

HAPON na nang maisipan nilang umuwi ni Hieven. Hawak kamay nilang tinahak ang daan patungo sa bahay niya. Nagkukulitan sila sa daan ng madaanan nila si Brelln na kakalabas ng bahay nila. “Brelln!” tawag niya sa binata na naging dahilan nang pagpisil ni Hieven nang kamay niya. Nilingon niya ito. “What?” “Kailangan mo pa bang tawagin 'yan? Tsk! Let's go home now, I'm sleepy.” Umiling siya sa binata at mahina itong kinurot sa braso gamit ang isang kamay. Nang ibaling kay Brelln ang tingin ay kumakaway na lumapit ito sa kanila. “Mekay! Ilang araw kitang hindi nakita ah,” he said. Ngumuso siya at hinayaan ang muling pagpisil ni Hieven sa kamay niya. Ngumiti siya kay Brelln. “Naging busy sa iskwelahan eh. Saka ayaw naman akong payagan ng isang ito na lumabas nang walang kasama." Nginuso

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD