KAKAMOT-KAMOT ng ulong lumapit si Jedrix sa kanya. Suminyas siya sa lima na mauna na. Ngunit bago ang mga ito umalis ay pinagsabihan muna niya. “Gulay, prutas at isda lang ang bilhin niyo ha. Gaya lang ng dati. Kapag iyan sinubrahan niyo lagot kayo sa 'kin.” Sabay na ngumuso ang lima. Mahilig ang mga itong dagdagan ang mga pinamili niya. Pinapalayo siya ng mga ito kapag nasa palengke para madagdagan ang mga iyon kaya nga hindi na niya hinahayaan na iwan ang mga ito. Minsan kasi ay nahuhuli or nauuna lang siyang maglakad ay nakabili na ang mga ito, mabibilis ang mga kamay. Matitigas ang mga ulo nila, ayaw paawat. “Sinasabi ko inyo,” pagbabanta niya pa. Nakangusong naglakad ang mga ito papalayo sa kanila. Hinarap ni Mekylla si Jedrix. Bumuntong-hininga siya at iayos ang pagkakabuhat kay

