HANGGANG sa bitawan ng tatlo si Ziegler ay natatawa pa din sila. Umiling-iling na muling binuhat ni Mekylla si Shenay. Nauna siyang naglakad sa anim. Kailangan pa nga pala niyang puntahan si Hieven at sabihing huwag munang lumabas ng kwarto. Alam din naman niya na walang hiya ang mga kaibigan niya bigla-biglang pumapasok ang mga itong sa kanyang bahay. “Bagbibihis na muna ako bago ko kayo ipagluto. Nakakahiya naman kasi sa inyo. Nagtatamang hinala kayong mga baliw kayo,” nakangusong wika niya saka binilisan ang paglakad. Nang marating ang gate ay mabilis na binuksan iyon ni Jedrix. Ngumiti siya. Yeah, this is one of a reason why she have a crush on him. He's gentleman and everyone know it. Kahit abnormal ito ay hindi naman nawawala ang pagiging gentleman nito. “Salamat!” Itinuro niya

