MASAYA si Hieven na makita ang selos sa mukha ng dalaga. Isang araw pa lang ang plano nila ni Jelai ay nakikita na niya iyon. Ngunit ngayon, parang gusto na niyang aminin sa dalaga ang plano. Kating-kati na siya pero ayaw pa ni Jelai. Ang gusto kasi nito ay kusang aminin ni Mekylla ang nararamdaman dahil sa selos nito. Ngunit ang sayang iyon ay napalitan ng kaba at takot. Imbis kasi na si Mekylla ang magselos ay siya pa. Nagback fire sa kanya ang plano. Nag-iba na din ang pakikitungo ng dalaga sa kanya. Kung pwede lang niyang suntukin si Jedrix ay baka ginawa na niya. Pinigilan lang niya ang sarili dahil takot siyang baka lalong magalit sa kanyan si Mekylla. Baka lalo din itong lumayo sa kanya. Mag-iisang linggo na mula ng mangyari iyon sa kubo. Hindi naman siya galit, nagtatampo lang s

