PAGLABAS ni Mekylla ng kwarto ay kasabay n'on ang pagkatok ng kung sino sa labas ng kwarto. Walang buhay siyang dumeretso sa salamin para magsuklay. Hindi niya pinansin ang pamumula ng mga mata. “Meka?” Hieven voice. Now he's calling her Meka, not Flower. Pagak siyang tumawa. Bakit nga naman siya nito tatawagin sa ganoon kung nandito si Jelai? Inayos niya ang sarili at ngumiti sa salamin ngunit ngiwi naman ang nagagawa niya. Nanlulumong bumuntong hininga siya. ‘Mekylla, you can do it. Huwag kang magpapa-epekto sa nararamdaman mo. Lalaki lang 'yan.’ Then she stilled. She remembered something. Jelai have a boyfriend. Umiling siya. Mekylla know that Jelai really love her boyfriend, nakikita niya iyon sa mga mata ng dalaga. Hindi nito ipapalit ang boyfriend sa binata. Kilala niya si Jelai

