CHAPTER 17 - Unahan si Emil

1961 Words

HINDI NA NAGBALIK ang sigla ni Marga nang umagang iyon. "Okey ka lang ba, Teacher Marga? Kanina ka pa matamlay a. May problema ba? Sabihin mo lang at baka may maitutulong kami sa'yo." "N-naku, wala naman Teacher Raquel, Teacher Edna. Iniisip ko lang kung anong activity ang gagawin namin ng mga bata ko bukas," maagap niyang sagot. "Maryosep ka, akala ko naman kung ano na. Hindi pa nga natatapos ang araw na ito, 'yung para bukas na agad ang iniisip mo. Tatanda ka agad niyan," biro ni Teacher Raquel sa kanya. "At... papangit pa! Kaya kung ayaw mong makamukha namin, easy ka lang. Sige ka, ikaw rin!" dugtong na biro ni Teacher Edna. Nakitawa siya sa masayang pagbibiro ng dalawa. Sandaling nawala sa isip niya ang batang babaeng inaalala. Ngunit nang hindi na kasama ang mga kaibigan... muli

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD