CHAPTER 21 - Nagkita rin tayo, babae

1535 Words

PANGKARANIWAN ang naging kilos ng magkakapatid nang mga sumunod na araw. Ganoon din ang mga pamilyang naninirahan sa kanilang lugar. Ang mainit na usapin hinggil sa pagkamatay ng binatang si Emil ay mabilis na nanlamig at waring alikabok na nilipad ng maalinsangang hangin. Madaling natabunan ng ibang mas kapanapanabik na paksa ang pampalipas oras ng magkakapitbahay. Panandalian o mas tamang sabihing, hindi nag-iwan ng mapait na marka ang pagpanaw nito. Ang ilan ay ayaw masangkot at mabalikan ng grupong inaakalang bumugbog dito hanggang sa mamatay, habang ang karamihan naman ay walang pakialam, at tila nasisiyahan pa. Ikinatuwa ni Marga ang bagay na iyon. Nabura sa listahan ng gumugulo sa kanyang isip ang binatang pinatay. Isang panibagong araw ang sumapit. Nakangiti niyang pinahiran ng p

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD