NAKANGITING iniangat ni Ofelia ang mukha matapos ang ginagawang pag-aayos ng mga damit sa loob ng kahon. "Sus! Inabutan ko na rin dito 'yang si Ofelia pero hindi ko pa narinig na tinawag ni Sungit- bansag nila sa jail guard na hindi ngumingiti, dahil may dalaw. Ang dalaw lang na alam kong dumarating sa kanya ay ang regla niya buwan-buwan!" "Baka nga hindi na rin, kosa. Naglayag na yata. Natuyo nang hindi nadale ni Poreber!" Malulutong na halakhakan ang pumuno sa loob ng apat na sulok ng seldang napakainit t'wing tag-init at nanunuot naman sa buto ang lamig t'wing tag-ulan. Napabunghalit na rin si Ofelia. Namula ang mukha sa katatawa. Sa kanilang lahat, siya ang pinakamatagal sa kulungang iyon kahit pa nga hindi siya ang pinakamatanda. "Ako na naman ang nakita niyo, tigilan niyo nga a

