LUNES. Mukha ni Mr. Salazar ang agad niyang nakita bago pa man huminto sa tapat ng paaralan ang dyip na sinasakyan. Kung dati-rati'y bumababa na siya kapag ganoong hindi makausad ang mga sasakyan, at naglalakad na lang patungo sa gate, nang mga sandaling iyon ay pinili niyang manatili sa inuupuan at pag-aralan itong mabuti. Nakatayo ang lalake sa entrada at may ilang babaeng kausap; mga nanay na naghahatid-sundo sa kani-kanilang anak. Nakikita niya ang pagtawa ng mga kausap nito na waring aliw na aliw. "Bumabangka ka na naman sa usapan. Pinahahanga mo 'ko sa estilo mo. Mahusay kang magsalita, kapani-paniwala. Malakas ang iyong s*x appeal at may sense of humor. Hindi nakapagtatakang kahit may mga asawa na ay kinikilig pa sa'yo. Maaaring nakakalusot sa ibang babae ang mga pasakalye mo. Per

