HINDI NA niya ikinagulat ang sumunod na ginawa ng lalake. Ibinaba nito ang buhat na anak, at saka kumuha ng silyang mauupuan. Pagkatapos, nakangiting binulungan ang asawa at maginoong iginiya paupo. Agad namang kumandong ang bata sa mga hita ng inang matapos gumanti ng ngiti ay nagpatuloy sa masayang pakikipag-usap sa babaeng kumuha na rin nang mauupuan. Muling inilapit ng lalake ang bibig sa tainga ng asawa; may ibinulong uli. Tumango agad ang ginang, at hindi na ito pinag-aksayahang sulyapan. Habang nakahawak sa balikat ng asawa, dahan-dahan itong pumaling paharap sa kanya. May ngiti sa sulok ng bibig habang pinaglalakbay ang paningin mula sa kanyang ulo hanggang paa. Ang kapilyuhan ay ipinababatid sa pamamagitan nang pagpapapungay ng mga matang kumakabisa sa kanyang mukha at hugis ng k

