GAYA NG mga NAKARAANG nabalot ng ligalig, ang NANGYARI sa burol ng batang si Maryrose ay hindi nakaapekto sa galaw ni Marga. Walang kahit anong kakaiba sa mga kilos niya,at hindi mababakas ang pag-aalala sa maganda at maamong mukha. Umaalis siya sa umaga at umuuwi t'wing tanghali; patuloy lamang sa pang-araw-araw na gawain. Kung pagbabasehan ang simpleng gayak, at kalmadong kilos at pananalita, ang IKALIMANG UTOS ng Diyos ay hindi niya nilalabag. Sa paaralan. Ipinatawag ng prinsipal ang mga guro ng kindergarten upang pag-usapan ang mga paghahandang gagawin para sa gaganaping kauna-unahang Family Day ng mga mag-aaral. Excited ang mga guro, lalo na ang punong-guro sa dahilang oo nga't sila'y pampubliko lamang, kahit paano'y hindi naman napag-iiwanan ng mga pribadong paaralang malapit sa k

