SA KABILA ng puyat, ang antok ay hindi pa rin nararamdaman ni Marga. Lalo na ang pagod sa biyaheng pabalik-balik, at sa ginawang PANININGIL. Hindi sa dahilang binabagabag ng sariling kunsensiya dahil wala siyang nararamdamang kurot sa budhi, at hindi niya pinagsisisihan ang ginawa. Kung malalaman niyang nakararanas din ng kalupitan ang kahit sino sa mag-aaral niya ay hindi siya magdadalawang isip ulitin ang pakikipag-ulayaw sa gabing madilim at mabahong basura. Paulit-ulit siyang papatay upang mabawasan ang mga inang walang kwenta; upang hindi na madagdagan ang mga Maryrose na magdurusa at magbubuwis ng buhay! Upang libangin ang sarili at maituon ang isip sa ibang bagay, naglinis siya ng bahay. Nagtagumpay naman siya. Pawisan at humihingal niyang hinagod ng tingin ang paligid. Mula sa put

