NANG ARAW na 'yon ay pumunta na ang asset sa headquarters upang dalhin kay Sarhento Wenceslao ang kade-develop lang na mga larawan. "Tata, nasa loob ba si Sarge?" "Sinong Sarge?" "Sargeant Wenceslao, Tata." "Ah, si Sarhento Wency. Oo, nando'n sa mesa niya. Mukhang may 'pasalubong' ka kay Sarhento, a." "Konting 'apetayser' lang, Tata. Pampagana ba. Mainit-init pa nga, e." "Ayos 'yan. Sige na, dalhin mo na sa loob para 'di 'mapanis'." Sinaluduhan muna ng asset ang nakangiting police na napagtanungan bago tuluyang pumasok sa loob. "Magaling, bata!" tuwang-tuwang sabi ni Sarheto Wenceslao nang abutin ang brown envelope. Sandali niyang tinignan ang mga larawang naroon sa loob at saka sinenyasan si Corporal Duarte. Lumapit agad ang kabo. Matapos kunin ang envelope ay dali-dali na itong

