Hilam ang luha na niyakap ni Terrence ang umiiyak na ama. Kung hinayaan lang sana niyang magpaliwanag ito noon hindi sana lumala ang away nilang dalawa hindi sana naging mahirap para sa kanya ang paglayo sa hacienda. Tama siya kahit ano pang galit niya ay wala naring magagawa dahil hindi na maibabalik ang buhay ng kanyang mama. At nakita naman niya ang pagmamahal at pag-aalaga ni Flavio sa kanyang mama lalo na noong magkasakit ito. Kaya lang lumabas parin ang itinatagong lihim ni papa nang makita ng kanyang Mama ang larawan ni Maricar kasama ang dalawang maliit na bata sa secret pocket ng wallet nito kaya nasaktan ng husto si Mama. Alam niyang wala ng lunas ang karamdaman ng kanya Mama at mas pinalala pa nito ang sitwasyon niya kaya tuluyan siyang binawian ng buhay. “Patawad anak…nang

