Natuyo na ang luha sa mata ni Gabriela pero hindi parin nabawasan ang kanyang nararamdaman. Kailangan pa niya ng kaunting oras para ayusin ang kanyang sarili bago siya umuwi sa kanila. Pinasmasdan niya ang hugis pusong diamond na singsing niya na binigay kanina ni Terrence ng alukin siya ng kasal nito. “Akala ko pa naman habang buhay ka ng nasa daliri ko. Yun pala pinahiram ka lamang sa akin ni Vanessa.” Nangingilid ang luha na sambit ni Gabriela. Nakaupo pa rin siya sa kawayan na upuan habang nakaharap sa bintana ng tress house. Hindi siya kita sa baba dahil sa mayabong na dahon na tumatakip doon. Akmang huhubarin na niya sana ang singsing nang bumungad si Terrence sa harapan niya. Kaagad siyang sinugod nito at madiin na hinalikan ang kanyang labi. Pilit na lumalaban si Gabriella upang

