Hindi ko alam kung saan nagpunta si Terrence. Pero ang sabi niya susunduin daw niya ako ng seven thirty kaya bago bihis na kaagad ako. Nakailang ikot na ako sa malaking salamin. Hindi pa rin ako nagsasawa na pagmasdan ko ang aking sarili. Ngayon ko lang kasi naranasan na magsuot ng ganito at aattend ng party. Hindi ko tuloy maiwasan ang mangamba. Paano ba naman kasi hindi ko pa rin mailakad ng maayos ang mataas na takong kong sandal. Tapos napakahaba pa ng gown ko. Gaano ba kayaman at ka-importante ang taong magdidiwang na yun at kinailangan ko pang magsuot ng ganito? Mabuti na nga lang at kalahati ng likod ko lang ang exposed sa black gown na may white pearl na desenyo paikot sa aking leeg. Dahil sa halter neck style ang napili niyang suotin ko. Magaan din ang tela at bagsak na bagsak sa

