Ilang minuto din ang nakalipas ay dumating na yung inorder namin. Nanlaki din ang mata ko dahil sa itsura pa lamang ay nakakatakam na. Malaki din ang serving’s nila kaya siguradong mabubusog ako nito! “Honey dahan-dahan!” Pigil niya sa akin. Dahil parang P.G kong nilalantankan ang pagkain na nasa aking harapan. “Wag kang mag-alala hindi naman ako mabibilaukan sanay na ako sa military na kain diba?” Nakangisi kong tanong sabay subo sa pizza. Kalahati kaagad ang nabawas. “Okay…” Sambit niya at nag-umpisa na rin siyang kumain. Ayokong magpaka-sosyal masyado yung kahit tinapay gagamitan mo ng kutsilyo at tinidor bago makain. Feeling ko hindi ako mabubusog kung ganun. Hindi naman siguro niya ako iiwanan kahit makalat akong kumain. Subukan lang niya! “Ang pait!” Kaagad kong binaba ang d

