Hindi ko akalain na magagawa niyang makipaghiwalay sa babaeng yun ng ganun-ganun lang. Hindi ko din alam kung bakit umalis na yung babaeng yun. Kung makaasta siya kanina halata ngang hindi pa rin siya makamove-on kay Terrence. “Ibig sabihin wala ngang nangyari sa atin?” Humalukipkip siya at parang nadulas ata sa sinabi niya. “I-I mean kung alam mong may nangyari sa atin papayag ka ng magpakasal sa akin?” Talagang pinapanindigan niya na may nangyari sa amin kahit wala naman talaga. Alam ko naman talaga na wala eh at ramdam ko din yun. Dahil sakit ng ulo lang ang naramdaman ko kagabi. Kaso pinagpipilitan talaga niya. “Pwede?” Di siguradong sagot ko. Nagulat na lamang ako nang bigla niya kong buhatin. “Sandale saan mo ako dadalhin?! Ibaba mo ako!” Pagpupumiglas ko pero mahigpit na a

