“Hon!” Mabilis na tumakbo si Vanessa papunta kay Terrence. Umiiyak pa ito na akala mo siya ang aping-api. Syempre expect ko ng kakampihan niya ang babaeng yun dahil fiancée niya ito. Inayos ko ang magulo kong buhok at tinignan ang mga galos ko sa braso dahil sa kanyang kuko. Kung hindi niya hawak ng mahigpit ang buhok ko baka nabalibag ko na siya sa sahig kanina! “Hon, sinak-tan niya ako….sinabi ko lang naman na ayu-sin niya ang paglilinis sa con-do dahil may allergy ako sa alika-bok pero bigla na lang niyang hini-la ang bu-hok ko!” Humihikbing wika niya. Samantalang mulagat naman akong nakatingin sa kanya habang nakayakap siya ng mahigpit sa beywang ni Terrence at naksubsob ang mukha sa dibdib nito. Hanep! Pang best actress ang acting niya! Dinaig pa si Nora Aunor! Maganda nga sinungali

