Chapter 77

1361 Words

Hindi ko alam kung paano kami nakarating sa condo. Nakita ko ang paglambot ng galit niya nang makita niya ang pag-iyak ko pero hindi siya nagsasalita. Kaagad na siyang sumakay sa driver seat at pinaandar ang kotse kaya ngayon ay nandito na kami sa condo niya. Kaagad akong pumasok sa loob nng kwarto. Pero sinundan din niya ako at hinawakan ang braso ko. “Hindi kami naglalandian okay?” “Hindi? Nasa mesa palang tayo panay na ang sulyapan niyong dalawa. Nagtatawanan pa kayo at mahinang nagbubulungan! Hinihimas pa niya ang braso mo?! Tapos nalingat lang ako sandali magkayakap na kayo sa gitna at nagsasayaw?! Anong tawag doon? As a friend? Gasgas na yan Terrence!” Galit na singhal ko sa kanya. Kung isipin niyang OA ako ay wala na akong paki-alam. Mas mabuting i-uwi na lamang niya ako sa kacie

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD