bc

Moan My Name Uncle Victor

book_age18+
777
FOLLOW
6.9K
READ
billionaire
forbidden
love-triangle
family
HE
escape while being pregnant
age gap
second chance
heir/heiress
drama
sweet
bxg
lighthearted
campus
office/work place
addiction
like
intro-logo
Blurb

Napangiti ako nang makita kung paano nanginginig sa matinding pagpipigil si uncle Victor. Pinagpapawisan na siya ng malapot habang nakatingin sa akin.

"Huwag mong pigilan ang sarili mong isigaw ang pangalan ko, uncle Victor... dahil alam kong matagal mo na akong pinapantasya," mapang-akit kong sabi sabay lantak sa armas ni uncle Victor.

#LoveMeinChaos-TagalogWritingContest

chap-preview
Free preview
Kabanata 1
AIRA DELA CRUZ Napailing na lang ako nang makita si mama na abala sa paghahanap ng mabebenta niya. Sa totoo lang, naubos na ang mga gamit namin sa bahay. At dahil iyon sa bisyo niya. Oo, adik si mama. Noong una ay hindi naman talaga kami hirap dahil dalawa lang naman kaming magkapatid. Noong nabubuhay pa si papa, maayos naman ang lahat kasi maganda naman ang trabaho ni papa noon. At hindi naman kami nagugutumang magkapatid. Pero maaga siyang kinuha sa amin. Bigla na lang siyang inatake sa puso. At ng panahon na iyon, stress na stress si mama. Hanggang sa mapunta siya sa mga taong mga walang pangarap sa buhay o sabihin na natin mga patapon na ang buhay. Kung kaya naman iyon ang naging libangan ni mama. Natuto siyang magbisyo. Natuto siyang gumamit ng pinagbabawal na gamot at naging sugarol siya. Tatlong taon na siyang ganoon dahil mag-aapat na taon na ring wala si papa. "Ano, Aira? Hanggang tingin ka na lang ba diyan? Baka gusto mo akong bigyan kahit isang daan! Nagugutom na ako!" sigaw ng aking inang si Marla. Napahawak ako sa aking sintido. Nasa edad labing-siyam pa lang ako, pero pakiramdam ko ay nasa edad trenta na ako sa dami kong isipin. Pati pagkain naming dalawa, ako pa ang namomroblema. Hindi ko na nga nabigyan atensyon ang pag-aaral ko. Sa susunod na pasukan, sana matapos ko na ang pagiging grade 11 student ko. "Saan naman po ako kukuha ng pera, mama? Ako na ang nagbayad ng ilaw at tubig. Pati nagbayad ng utang mo. Iyong kinikita ko sa milktea shop, nauubos lang din sa isang iglap. Pagod na pagod na ako, mama..." Matalin niya akong tiningnan na para bang may mali akong sinabi o ginawa sa kanya. "Oh talaga? Eh tarantada ka pala! Nagrereklamo ka pa? Baka nakakalimutan mo! Kung hindi dahil sa akin, hindi ka mabubuhay sa mundong ito! Manghiram ka muna ng pera sa mga kapitbahay natin! Nagugutom na ako! Palibhasa'y kumain ka na kanina!" Padabog siyang lumabas ng bahay namin. Habang ako naman ay napahawak na lang sa aking sintido. Hindi ko na alam ang gagawin. Napaiyak na lang ako ng hindi ko namamalayan. PAGSAPIT ng hapon, naisipan kong lumabas muna. Katatapos ko lang maglaba ng napakarami. Sa gawaing bahay, ako na rin ang umiintindi. Kapag umaalis ako, malinis ang bahay. Kapag uuwi ako, dugyot na agad ito. "Ano ka na diyan, girl? Napaka-haggard na ng beautiful face mo!" nakangusong sabi sa akin ni Armenia. "Ano pa ba sa tingin mo ang dahilan? Hindi ko na alam kung may balak pang magbago si mama. Minsan napapaisip ako kung magpabuntis na lang din kaya ako kagaya ni Lyka? Para makaalis na ako sa bahay na ito?" Hinampas niya ako sa braso sabay iling. "Gaga ka. Huwag mong gayahin ang kapatid mo. Hindi madali ang buhay may pamilya. Hindi madali ang mag-alaga ng anak. Sinuwerte lang din talaga ang kapatid mo kasi ang nahanap niyang lalaki ay mabait at mahal na mahal siya. Ilang taon nga ulit siya noong nabuntis?" Bumuntong-hininga ako. Minsan talaga may naiisip akong gawin na hindi dapat. "Fifteen years old siya no'n. Matanda lang naman ako ng isang taon sa kanya. Nakikita ko nga ang post niya sa social media niya. Ang saya-saya nila ng asawa niya." "Syempre, mahal siya kaya alaga talaga. Huwag kang mag-aalala, darating din ang lalaking mamahalin ka ng buong puso. Iyong magiging buhay reyna ka." Matapos ang usapan naming iyon, pumasok na ako sa bahay. Pagabi na kaya kailangan ko ng magsaing. Pero nalungkot ako nang makitang wala na pa lang bigas. Kung kaya naman lumabas ako ng bahay. Pupunta ako ngayon sa tita ko makahiram ng pambiling bigas. Habang naglalakad ako sa gilid ng kalsada, may isang magarang sasakyang huminto sa harapan ko. Bigla pa nga akong kinabahan dahil naiisip kong baka masamang tao ang nasa loob nito at baka kidnap-in ako. Ngunit nang ibaba nito ang bintana, napanganga ako. Sa tingin ko ay nasa edad trenta pa lang siya. Napakaguwapo niya at parang modelo ang itsura. Kapansin-pansin ang laki ng braso niya kaya halatang malaki ang katawan niya. At nang lumabas siya sa sasakyan, nanganga na lang ako dahil hanggang dibdib niya lang ako. "Hello, miss. Pasensya na sa abala. May kilala ka bang Armando Dela Cruz? Hindi ko na kasi matandaan kung saan siya banda nakatira dito." Nanlaki ang mata ko nang marinig ang pangalan ni papa. Ilang segundo ang nakatingin sa kanya bago sumagot. "Ba-Bakit niyo po hi-hinahanap si papa?" Nagsalubong ang makapal niyang kilay at saka napangiti. "Anak ka niya? So you must be Aira? O iyong isa pa? Sino ba iyon?" Bahagya akong napakurap. "Ako nga po si Aira. At ang isa kong kapatid ay si Lyka. Pero hindi ko na kasama si Lyka sa bahay kasi nag-asawa na siya. Pero sino po ba talaga kayo?" Bumuga siya ng hangin at saka inayos ang kwelyo niya. Pagkatapos ay ngumiti siya ng matamis kung saan kitang-kita ang pantay-pantay niyang ngipin. Ewan ko ba kung bakit bigla na lang ako natulala sa kaguwapuhan niya. Siguro dahil iyon ang unang beses na makakita ako ng guwapong katulad niya. "Ako si Victor. Kaibigan ako ng papa mo. Minsan niyang niligtas ang buhay ko noon kaya kami naging magkaibigan. Pero kasi naging busy ako at magpunta sa ibang bansa. Kailan lang ako binalik dito. At hinahanap ko siya para makabawi sa ginawa niya. Nasaan ba siya? Ilang taon na kaming hindi nagkakausap." Napakagat-labi ako at saka yumuko. "Aira? May problema ba?" "Wala na po si papa. Mag-aapat na taon na rin. Kami na lang ang magkasama sa bahay ni mama. Kaso si mama... simula nang nawala si papa, nag-iba na siya. Nalululong siya sa sugal at bisyo. Sige po, aalis na ako." Akma na sana akong lalakad nang hawakan niya ako sa balikat. Nanindig ang balahibo ko dahil parang may kuryenteng dumaloy mula roon. "Saan ka ba pupunta?" "Ah... sa ti-tita ko po. Manghihiram ako ng pambiling bigas." Naningkit ang mata niya na para bang nagulat sa sinabi ko. Pero nakita ko sa mata niya na kinaawaan niya ako. Bumuntong hininga siya bago kumuha ng pera sa wallet niya. Kinuha niya ang kamay ko at saka inilagay ang pera doon. Sa tantsa ko ay nasa sampung libo iyon. "Huwag mo ng bayaran iyan. Isipin mo na lang na tulong ko na sa iyo iyan. Hindi ko akalaing wala na pala si Armando. Miss ko pa namang makipagkuwentuhan sa kanya." Napatitig ako sa kamay kong may pera. Ngayon lang ako nakahawak ng ganoon kalaki. "Siya nga pala, kapag may kailangan ka... tawagan mo lang ako sa number kong ito. Huwag kang mahihiya sa akin. Gusto kong makabawi sa papa mo. Pero ngayong wala na siya, kahit sa inyo na lang ako makabawi." Inabot niya sa akin ang calling card niya. At pagkatapos ay sumakay na siya sa kanyang sasakyan at saka umalis. Nanginginig pa rin ang kamay ko. "Victor Alejandro Montealvo..." mahinang usal ko. Napatingin pa ako sa sasakyan niya mula sa malayo. Hindi ko alam kung bakit pero may kakaiba sa taong iyon. Hindi ko maipaliwanag ngunit sa unang beses na magtama ang mga mata namin, para may init na hindi ko maipaliwanag. At unang beses ko iyong naramdaman.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

The Cold Billionaire

read
17.9M
bc

Journey with My Daughter

read
1.2M
bc

TEMPTED CRUISE XI: A NIGHT OF LUST

read
32.0K
bc

ARREST ME IN YOUR HEART Mr.Sergeant

read
4.3K
bc

De Silva's Temptation

read
22.7M
bc

Chasing his Former Wife- (Montreal Property 2nd gen.)

read
106.8K
bc

THE YOUNGEST GENERAL: DEANZ XANDER MONTEMAYOR (TAGALOG)

read
114.3K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook