- Sammy - Nakauwi kami ng gabi na dito sa bahay ni Adam. Ang daming ganap na nangyari at talaga namang pagod na pagod ako sa biyahe. Hindi ko alam kung paanong ganun kalayo ang nakakayang lakbayin ni Adam mula headquarters hanggang pauwi dito sa kaniyang bahay. Kung ako iyon ay tiyak mukha na akong nabinat na aswang. Parang lalagnatin ako sa pagod at kulang sa tulog. Bagamat nakatulog ako at tanghali na nung magising ay kulang pa rin iyon. Hindi sanay ang katawan ko sa puyatan dahil binibilang ko ang oras ng tulog ko. Dapat palaging may beauty rest kahit wala ng pera. Inang ‘yan. Bwisit kasi yung isa na yun, kung hindi lang maraming pagkain sa kusina ay nilayasan ko na yun. Kanina, ang sarap ng tulog ko sa guest room nila Mayor Ezekiel. Ako lang ang mag-isa kaya komportable, plus may

