- Sammy - Hindi na ako nakatulog kahit na masakit ang puson ko. Pero dahil naiinis ako at gusto kong ilabas ang lahat ng inis ko sa katawan ay naglaba ako. Kasama ko si Pakito habang nagpapaikot sa automatic washing machine. Mabuti na lang at hindi nakakapagod ang paglalaba. Ang underwear ko ay kinusot ko na lang. Pagkatapos ay naglinis ako ng banyo na ginagamit ko. Hindi ko nilinis ang banyo ni Adam dahil nabubwiset ako. Bahala siya maglinis magisa niya. Naglinis din ako sa living room hanggang kusina. Masyado akong G na G kaya nagpalit na rin ako ng kurtina kahit hirap na hirap ako sa pagtanggal at pagkabit. Diniskartehan ko na lang para sumaya ang buhay ko. Natapos ako ng pasado alas syete ng umaga. Kaya pagod na pagod ako habang nagkakape. “Ubusin mo ‘yan Pakito." ibinigay ko sa ala

