Step POV Nagmadali ako lumabas ng bahay at pumara ng taxi. Bumaba ako sa harap ng bahay namin para kausapin si Daddy. Gusto ko sabihin sa kanila ang plano ko na hawakan ang company namin. Agad akong pumasok sa loob at hinanap si Daddy. Nakita ko ito nakaupo sa garden habang nagtitipa sa kanyang laptop. "Daddy." agad ito napatingin sa akin at ngumiti. "Iha, napadalaw ka?" "Dad." Agad akong lumapit dito at naupo sa harap nito. "Daddy, pwede bang ako na ang humawak ng company natin?" "Huh? Baka naman na bibigla ka lang." "Hindi po ako nabibigla, Dad. Sinabi ninyo sa akin noon na para sa akin ang company na iyon, kaya ninyo ako pinakasal sa walang hiyang Leo na iyon. Pero Dad, andito na ako at handa ko na patakbuhin ang company na iyon. At nang makaalis na rin ako sa walang kwenta

