bc

The Arranged Marriage with the Billionaire

book_age18+
1.7K
FOLLOW
14.9K
READ
family
HE
opposites attract
arranged marriage
heir/heiress
drama
sweet
office/work place
like
intro-logo
Blurb

Prologue: Si Stephanie Cordova, na mas kilala bilang Step, ay ipinanganak sa isang marangyang pamilya. Ngunit siya ay ipinagkasundo na ipakasal sa isang mayamang negosyante para isalba ang pagkalugi ng kanilang kumpanya.sa kasamaang palad ay maikakasal siya sa isang lalaki na hindi marunong magmahal na nag ngangalang Leon Ramirez o mas kilala bilang Leon. Matigas ang puso at mailap, lalo na sa mga babae, dahil minsan na siyang niloko ng babae na nais niyang pakasalan. Nangako sila sa habang-buhay na magsasama, ngunit sa kasamaang palad ay hindi ito sumipot sa araw ng kasal nila at nabalitaang sumama sa iba. Kanya kayang mapalambot ang matigas na puso ng tao na minahal na niya, o mas pipiliin nitong maging mailap at makulong sa alaala ng tao na nagawa siyang lokohin? tunghayan ang mala roller coaster na buhay pag-ibig nina Leon at step .

chap-preview
Free preview
chapter 1 Birthday
Isang magandang araw ito para kay Step dahil ito ang araw ng ika-19 na kaarawan niya. mas pinili niya ang mamasyal na lang kasama ang kanyang mga kaibigan sa Boracay . kasama niya ang limang kaibigan niya na sina Zoe, Jhoanna,Diane,Fatima, at Carla. Kasalukuyan, kababa lang ng eroplano sinasakyan nila kaya nagdesisyon silang dumiretso sa isang hotel kung saan nila balak mamalagi. "Grabe, ang haba ng byahe natin na pagod ako ng husto sa naging byahe natin. Pwede ba matulog na muna tayo bago tayo masyal?" wika ni Jhoanna. "Talaga ba?Jhoanna? Nagpunta ka rito para lang matulog?"Wika ni Diane. "Oo nga naman Jhoanna, wag ka nga k.j diyan." Wika naman ni Fatima. " Kayo talaga,sadya naman, nakakapagod ang paglalakbay natin. Hayaan na lang natin magpahinga si Jhoanna. Isa pa, pagod rin ako; gusto ko rin matulog," wika ko naman sa kanila. Maya-maya ay inabot na sa amin ng receptionist ang susi ng magiging kwarto namin. mas pinili ko ang kwarto kung saan halos tanaw ko ang karagatan. Ako lang mag-isa sa aking silid dahil hindi ako sanay na may kasama. samantalang sina Jhoanna at Fatima ay magkasamasa isang kwarto. Sina Diane at Zoe naman sa isang kwarto. Inilibot ko ang aking paningin sa loob ng aking silid. At napangiti ako ng makita ang kulay puti at gray na kulay ng kwarto. Naglakad ako sa may balcony at tinanaw ang napakagandang tanawin mula sa dagat. 9:00 pa lang ng umaga kaya marami ng turistang namamasyal sa buong Isla. napakagandang pagmasdan mula sa malayo, ang ilang tao na masayang naglalangoy at nagsusurfing. Isa rin ang surfing sa nakahiligan kong gawin sa tuwing nagpupunta ako sa dagat. Matapos ko mag-sawa, ay dahan-dahan lumapit ako sa aking kama at naupo doon. Tiningnan ko ang aking cellphone, at wala man lang ako natanggap na mensahe mula sa mga magulang ko kahit alam naman nila na kaarawan ko. Siyempre, nasanay na rin naman ako sa kanila dahil palagi naman nila nakakalimutan ang kaarawan ko dahil abala sila sa trabaho. Wala rin naman akong bf dahil hindi pa ako handa makipagrelasyon. napabuntong hininga na lang ako sabay higa ko sa malambot na kama. Hindi ko na namalayan na nakatulog pala ako dahil sa labis na pagod sa mahabang byahe. Sa kabilang dako naman ay nagkaroon ng pagpupulong ang mag-asawang Cordova. tungkol sa nalalapit na pagpapakasal ng kanilang anak sa anak ng kanilang matalik na kaibigan. napagkasunduan nila na isagawa ang pag-papakasal ng dalawa sa pagbalik ng kanilang anak mula sa bakasyon nito sa Boracay. "Hon, sigurado ka ba dito?" "uo naman ". "paano na lang si step? panigurado magagalit ito pag nalaman niya ito." "But we don't have any choice, matagal na sa atin ang companya at marami na tayong isinugal dito. isa pa, siya rin naman ang makikinabang nito pagdating ng panahon." "pero hon," " hon, tayo parin ang magulang niya at ginagawa natin ito para sa kanya alam ko maiintindihan din niya ito pag dating ng panahon." matapos ng pagpupulong ng mag-asawa, Cordova ay agad na nila ito pinaalam sa mga magulang ni Leo. At nang malaman ito ng mga magulang ni Leo, ay agad pinaalam nila ito sa kanilang anak na kasalukuyan abala sa tambak na trabaho. "daddy , mommy talaga pinuntahan ninyo ako dito para lang sabihin yan?" "Anak, siya ang babae para sa iyo. Isa pa, malaki ang utang na loob natin sa pamilya na iyon. Sa mga panahon na halos malugi ang kumpanya natin, sila rin ang tumulong sa atin." "Pero, Daddy, iba na ito. Hindi na ito negosyo. Buhay ko na ang pinag-uusapan natin." "Anak, mabait naman ang babae na mapapangasawa mo. I'm sure magkakasundo rin kayo." "Mommy, ganun din ang pag-aakala ko sa babae na minahal ko, ngunit sa huli ay niloko rin ako." "Anak, magkaiba sila, mabuti pa ay subukan mo. Buksan ang puso mo sa kanya at makikita mo ang kabutihan niya." matapos ng pag-uusap, Nina Leo at ng magulang niya ay nagtungo muna siya sa isang bar upang maglibang-libang muna kasama ang mga kaibigan niya. Doon ay napag-usapan nila ang tungkol sa pagpapakasal niya sa nag-iisang anak ng mga Cordova. kasakasama niya ang apat na kaibigan niya na sina David, Grayson, Felix, at Hugo sa isang bar na pagmamayari mismo ni Hugo. "Tootoo ba ang sinasabi mo, ikakasal ka na?" wika ni Hugo. "Congratulations, dude. At sino naman ang maswerte babae na nais mo pakasalan?" wika ni Grayson. " Hindi ko siya gusto pakasalan dude napilitan lang ako dahil sa pakiusap Nina Mommy at Daddy." "Eh... anong plano mo ngayon?" wika naman ni David. "Wala naman akong magagawa. Alam mo naman si Daddy, hindi ba?" Kumuha ako ng baso at nilagyan iyon ng alak, saka ko ininom iyon. samantalang si Felix naman ay may tinitingnan sa cellphone nito. Maya-maya, narinig ko ang malakas na ungol ni Felix. "ohhhhhhhh..." "Dude, is this the one you're going to marry, dude? Grabe, napaka-ganda naman pala ng mapapangasawa mo. Pwede ba sa akin na lang ito?" napatingin naman ako sa cellphone na dala nito at tiningnan ang babae nasa picture na may magandang mukha, may dimples, at chinita din ito, sakto lang ang pagkamaputi nito at may mapupulang labi na hugis puso na sakto lang sa maliit na mukha nito. may makapal na kilay na may matangos na ilong, in short, maganda talaga ito. Agad ko hinablot ang cellphone na hawak nito at tiningnan ang timeline nito. Doon ko lang napansin na nasa Boracay pala ito. Nakita ko ang picture nila ng mga kaibigan niya na nasa eroplano. habang magkatabi sila ng mga kaibigan niya, na may caption na Me and my friends in Boracay. Happy birthday, myself," Matapos ko pagmasdan ang litrato, ibinigay ko na ulet iyon sa kaibigan ko si Felix at muling uminom ng alak. "Isa lang siya sa mga pangkaraniwang babae. Wala akong nakikitang special sa kanya." "Sus... kunwari, kapa sabihin mo, Type mo rin, ayaw mo lang aminin," natatawang wika ni Hugo. Simula ng iwanan ako ng gf ko noon sa araw mismo ng kasal namin, ay hindi na muli ako tumingin pa sa ibang babae. Noong mismong araw ng kasal namin ng gf ko, ay iniwan ako nito sa mismong araw ng aming kasal. Hinintay ko siya dumating, pero hindi siya nagpakita sa akin. Hanggang sa dumating ang pinsan nito noon at sinabing hindi na ito makakapunta dahil sumama na ito sa ibang lalaki. Ayoko sana paniwalaan ang lahat, pero may sulat ito ibinigay sa akin at sinabi na hindi na niya ako mahal kaya nagawa niya iyon. Mahal na mahal ko siya dahil sapul high school kami, ay kasama ko na siya, pero hindi ko lubos akalain na sasaktan niya ako ng ganito. magmula noon ay hindi ko na nagawa pang magmahal ng ibang babae. pero aaminin ko gumagamit parin ako ng iba't ibang klase ng babae. dahil lalaki parin ako at may pangangailangan parin. pero hanggang doon na lang ang lahat ng iyon. Dahil hangga't maaari, iniiwasan ko na muling umibig pa ng iba. Para sa akin, sapat na ang isang beses na nasaktan ako at hindi na muli maulit pa. Matapos namin uminom ng mga kaibigan ko, ay nagdesisyon na ako umuwi na para magpahinga. Samantalang sa kabilang dako naman ay kagigising lang ni Step mula sa mahimbing nitong pagkatulog. nagulat siya ng mapatingin ang mga mata niya sa Orasan at ng makitang 9:00 na ng gabi. Agad siya bumangon para maligo. Nang matapos ay tumawag siya sa mga kaibigan niya para alamin kung nasaan ang mga ito . at sinabi naman ng mga ito na nasa isang bar sila. agad naman ito nagbihis upang pumunta sa sinasabing bar. maraming tao sa loob ng bar kaya agad niyang inilibot ang kanyang paningin sa loob. Habang abala ang mga mata niya sa paghahanap sa mga kaibigan niya, may nakabangga siyang isang lalaki. Muntikan pa siya matumba noon sa sahig, pero maagap siyang nasalo ng binata. Nag tama ang kanilang mga paningin, at parang nag-slow motion ang lahat. Hindi nila mawari kung gaano katagal ang pakikipag-titigan nila sa bawat isa. labis ang paghanga niya sa lalaki na nakasalo sa kanya dahil napakagwapo nito. at kulay asul na mga mata at may pagka-brown ang buhok. may makapal na kilay at mapupulang labi at tama lang ang kapal ng kilay nito. hawak nito ang maliit niyang baywang habang nakahiga siya sa matitipuno braso nito. Siya naman ay nakakapit sa batok ng binata habang nakatulala pa rin sa gwapong mukha nito. Hindi nagtagal ay natauhan sila mula sa malalim na pagtitigan ng marinig ang boses ng kaibigan niya na si Jhoanna. Agad siyang bumangon at napatingin sa kaibigan. "Ohhh... anu ito step nakakita kana agad ng gwapo papa?" sabay kindat nito habang naglalaro ang nakakalokong ngiti sa mga labi nito. "Huh... Hindi nabangga kasi niya ako, buti na lang nasalo niya ako."

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

His Obsession

read
104.1K
bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
96.1K
bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
176.1K
bc

The Ballerina's Downfall

read
81.5K
bc

MAGDALENA (SPG)

read
30.1K
bc

The naive Secretary

read
69.7K
bc

TEMPTED CRUISE XI: A NIGHT OF LUST

read
29.1K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook