chapter 2 Boracay

1377 Words
Agad siya napabaling ng tingin sa lalaki, malawak ang pagkakangiti sa kanya, kaya agad siya ngumiti dito para magpasalamat. "Salamat sa pag-salo sa akin. Kung hindi mo ginawa iyon, baka nadulas na ako at pinagtatawanan ng iba." "Wala iyon, isa pa, kasalanan ko rin naman ang nangyari." Ngumiti ako dito bago ko inabot ang aking kamay. "Ako nga pala si Stephanie Cordova." "Ako si Michel Ramirez. Nice meeting you, Ms. Cordova." "Nice meeting you, Mr. Ramirez." "If you don't mind, can I join you?" " yes , sure" "Hoy,may tao pa dito oh..." wika naman ni Jhoanna na nasa likuran namin. "Hi Mr. Pogi, Ako si Jhoanna Matias. kaibigan ko si Stephanie." "Hi, Ms. Matias, nice meeting you." Agad inabot ni Michael ang kamay niya kay Jhoanna kaya agad naman niya iyon tinanggap. Matapos namin ipakilala ang isa't isa, ay nagpunta na kami sa table namin. Pagdating doon ay pinagkaguluhan naman ito ng mga kaibigan ko kaya wala akong nagawa kundi napakamot na lang ng aking sintido. Pero ganun pa man, ay sa akin pa rin nakatingin ito. Maya maya ay niyaya ako nitong sumayaw kaya agad ko ito pinaunlakan. Nagtungo kami sa gitna at sumayaw ng sweet dance. mabilis nitong hinawakan ang kamay ko at inilagay sa matitipuno dibdib nito. habang siya naman ay nakahawak sa baywang ko. Hindi ko maiwasang mapangiti sa kanya dahil saksakan ito ng gwapo, at aaminin ko, crush ko ito. nahihiyang tumingin ako sa mukha nito habang siya ay ganun din sa akin. "Alam mo ba na ikaw ang pinakamagandang babae ngayong gabi? Masaya ako at nakikilala kita." " Ganyan kaba kagaling mambola?? ilang babae na ba ang naloko mo?" "Hindi kita niloloko. Totoo ang mga sinabi ko. Talagang napakaganda mo." "Talaga ba?Salamat sa sinabi mo," "Hindi mo naman kailangan magpasalamat dahil totoo ang mga sinabi ko. pakiramdam ko ay bigla na mula ang buong mukha ko sa sinabi nito. "Hanggang sa matapos ang tugtog, ay nanatiling nakangiti lang kami sa isa't isa. matapos namin mag sayaw ay naupo na kami sa table namin at nagkwentuhan, hanggang sa naisipan na namin bumalik sa hotel dahil pagod narin kami at halos lasing narin ang mga kaibigan ko. tinulungan pa ako ni Michael na ihatid sila sa kanilang silid hanggang sa ako naman ang ihatid nito sa aking silid. "Salamat sa paghatid mo sakin," "Alam mo ba ang salitang destiny?" "Huh? hindi kita magets." "Alam mo ba, destiny tayo dalawa?" "Paano mo naman nasabi?" " Kasi ang kwarto ko ay nasa tapat lang ng iyong silid," "Talaga ba?" "Yup... Malay mo, Hindi pala coincidence ang nangyari sa atin dalawa kundi tayo pala ang para sa isa't isa." "Mmmm... Ikaw talaga, para kang anu diyan," " anu huh?" "Para kang sira, malay mo naman, nagkataon lang talaga," "Malay mo naman, hindi nagkataon kundi tayo talaga para sa isa't isa, Napakaganda mo, at ako gwapo, kaya hindi malabo maging tayo," "Sus, ikaw talaga, puro ka kalokohan. Sige na, pasok na ako. Good night, Michael," "Good night, step." Matapos namin magpaalam sa isa't isa, ay agad akong nagtuloy sa kwarto ko at mabilis na isinara ang pinto. Napasandal ako sa likod ng pinto habang salosalo ko ang dibdib ko dahil sa mabilis na pagtibok nito. Samantalang si Michael naman ay nag-tuloy sa kwarto niya habang may ngiti sa mga labi niya. Hindi niya maiwasan humanga sa dalaga dahil sa labis na ganda nito. Aminin niya na unang kita pa lang niya dito ay agad na tumibok ang puso niya para dito. May kakaibang ningning ang mga mata nito na tila ba ay inaakit siya nito. Hindi niya maiwasan mapangiti na lang habang inaalala ang pagsasayaw nilang dalawa kanina. Nais pa sana niya makausap ito ng mas matagal, ngunit mukhang pagod na rin ito kaya hinayaan na lamang niya na magpahinga ito. Naglakad siya papunta sa bar counter at uminom ng alak. Halos hindi niya mawari kung tutulog ba siya o hindi dahil iniisip niya ang babae kasayaw niya, pero minabuti na lang niya ang matulog na lamang dahil alas tres na ng madaling araw. Nang magising siya, alas nuebe na ng umaga at matindi ang naging hangover niya dahil sa dami niyang ininom. Pinilit niyang bumangon para makaligo na at ng matapos ay kumuha siya ng gamot sa drawer niya para uminom noon. Matapos niyang inumin iyon, ay nagbihis na siya, suot ang summer short niya. At agad naglabas ng kwarto ng siya naman labas rin ng dalaga sa kanyang silid. Hindi siya agad napansin nito dahil nakatalikod ito sa gawi niya. Kaya dahan-dahan ito lumapit at mabilis na umakbay sa dalaga. Napatili naman ang dalaga dahil sa pagkagulat dahil sa ginawa nito. "Ahhhhhh..." napapatingin siya sa mukha ng binata habang ito ay nakatingin sa kanya. Anu ba naman, Michael, bakit ka ba nanggugulat? Pasensya kana ,hindi ko alam na magugulatin ka pala," natatawang wika nito sa dalaga. Hinampas naman ng dalaga ang binata sa braso nito dahil sa pagtawa nito. Stephanie pov Nagpunta kami sa isang restaurant kung saan namin pinalanong kumain ng umagahan. Isinama ko na rin si Michael dahil tila wala naman siya kasama. Wala ka bang kasama dito sa Boracay? " "Wala eh, Sanay ako kasi mag-isa mamasyal. Sa mga pinupuntahan lang din ako nagkakaroon ng mga kasama." " Bakit wala ka bang kaibigan??" "Meron naman kaso mas sanay ako mamasyal mag-isa para makakilala ng ibang tao. Ganun ba? Ikaw, bakit narito kayo? " "Ahh... Kasi b-day niya, kaya kami narito." wika ni Zoe. " Talaga, b-day mo Ngayon? Happy birthday." "Salamat sa pagbati mo." nakangiting wika ko. Matapos namin kumain, nagdesisyon na kami mamasyal sa buong Isla. Naka kita kami ng ilang nag su-surfing kaya naisipan rin namin gawin iyon. Bumalik muna kami sa hotel para magpalit ng damit. Nagsuot lang ako ng black swimsuit at saka ako lumabas ng aming silid. Paglabas ko ay nakita ko agad si Michael na nakasandal sa pinto ng kwarto habang inaantay ako. Napapatingin ako sa magandang hubog ng katawan niya, maging ang malapad nitong muscle at matitipuno dibdib. Maging ang malapandisal nitong dibdib. Agad naman nabaling ang tingin nito sa akin at halos matulala ng makita ako. Pinasadahan niya ako ng tingin kaya nakaramdam ako ng matinding hiya. Kaya agad ko na siya hinila palabas ng hotel para magsimula na mag-surfing. Alam ko kakakilala lang namin dalawa, pero may naramdaman ako na kakaiba sa lalaking ito. Napakagaan ng loob ko sa kanya at napakahirap ipaliwanag. Hindi ko lubos akalain na pareho pala kami ng hilig dalawa kaya mabilis kami nagkasundo, at bukod doon ay masaya din siya kasama. Matapos namin mag-surfing, ay nag-scuba diving muna kami at saka nag-island hopping. Matapos ang mahabang oras ay nagpasya muna kami na tumambay sa tabing dagat. Doon ay mas nagkausap at nagkwentuhan pa kami ni Michael. "Alam mo ba, maswerte ka sa mga kaibigan mo dahil nandiyan sila para sa iyo. Napakasaya nila kasama." "Tama ka, riyan, alam mo ba sila ang nagiging pahinga ko sa lahat ng nangyayari sa akin? hindi kasi alam ng mga magulang ko ang nang yayari sa akin sapul ng Pag kabata ko." "Bakit?" "Palagi kasi sila abala sa trabaho kaya hindi na nila ako napapansin. Ikaw, nasaan ang magulang mo?" "Pareho lang din tayo, abala din ang magulang ko sa trabaho nila." " Talaga wala ka bang kapatid?" "Meron kaso hindi kami magkasundo dahil ampon lang ako. Sanggol pa lang ako ng iniwan ako ng magulang ko sa tapat ng bahay namin, at doon napag-desisyonan nila na ampunin ako." " Kawawa ka naman pala," "Pero ok lang naman kasi, ganun pa man, ay may itinuring pa rin ako magulang kahit abala sila sa trabaho nila. " agad ako tumango sa kanya at saka ngumiti. Matapos namin magkwentuhan ni Michael, ay naisipan muna namin humiwalay sa mga kaibigan ko at naglakad kami sa tabing-dagat habang naka-paa. Ninamnam namin ang buhangin sa aming mga paa at saka nag-decide kami bumalik na lang sa hotel. Hinatid muna ako nito sa aking silid bago nagpunta ito sa kanyang kwarto. ******* Sa kabilang dako naman ay naghahanda na ang pamilya ng bawat isa para sa nalalapit na kasal ng dalawa. Pareho silang excited sa kasal ng dalawa, ngunit si Stephanie ay wala pang kaalam-alam sa mga nangyayari sa oras na umuwi na siya galing sa Boracay.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD