chapter 3 Pag babalik

1893 Words
Si Leon naman ay abala pa rin sa trabaho at walang pakialam sa mangyayaring kasal. Matapos niya asikasuhin ang trabaho, ay naisipan na muna niya pumunta sa bar kasama ang mga kaibigan niya para i-celebrate ang nalalapit na pag-papakasal sa dalaga na hindi naman niya kilala. Ang sabi ng magulang niya ay bukas na ang pagbabalik nito mula sa bakasyon nito sa Boracay, at pag nakauwi na ito, ay agad isasagawa ang pagpapakasal nila. Kaya nilubos na niya ang pagkakataon at nagpakalunod na lang sa alak. Dahil sa labis na kalasingan ay ang kaibigan na niyang si David ang naghatid sa kanya sa kanyang bahay. "Hey, Dude, ang bigat mo. Bakit ba hindi ka man lang nag-tira ng pang-uwi mo?" Mabilis na inihiga siya ni David sa kama habang napailing na lang ito. Inutusan niya ang ilang mga katulong nito na bihisan na lang si Leo. napadako ang tingin niya sa isang larawan na nakapatong sa lamesa ng binata at dahandahan kinuha iyon at tiningnan. Nakita niya ang ex-girlfriend iyon ng kaibigan niya. "Hanggang ngayon ba ay hindi ka pa rin nakaka-move on sa babaeng umiwalay sa'yo?" napailing, iling na lang ito at muli ibinalik sa lamesa ang larawan ng babae. Noon, paman ay matalik na kaibigan na niya ito, at ni minsan ay hindi pa sila nagkasira ng kaibigan niya. ang totoo niyan, matagal na rin siya may gusto sa nobya nito, pero ganun pa man, ay hindi niya nagawang sulutin ang dalaga dito. At isa rin siya sa hindi matanggap ang panloloko nito sa kaibigan niya. matapos niya masiguro na ok na ang binata ay saka lang siya umalis ng lugar na iyon. Samantalang si Step naman ay hindi magawa makatulog. Naka-ilang pabalingbaling siya sa kanyang kama para lang makahanap ng magandang pwesto para lang makatulog. Hanggang sa narinig niya ang katok mula sa pinto ng kwarto niya kaya agad napadako ang tingin niya doon. Dahan-dahan siyang tumayo mula sa kanyang kama at lumapit sa pinto ng kwarto at sinilip kung sino iyon. Agad tumambad sa kanyang harapan ang mukha ni Zoe na malapad ang ngiti sa kanya. "Natutulog ka na ba?" "Hindi pa naman, hindi ko nga magawa makatulog halika, pasok ka," "Ako nga din eh," Agad niya nilakihan ang pagkakabukas ng pinto ng kwarto niya at pinapasok ang kanyang kaibigan. Naupo sila sa kama at naisipan magkwentuhan. "Alam mo, feeling ko may gusto sa iyo ang Michael na iyon; iba kasi siya, makatingin sa iyo." "Uy, ikaw, huh... masyado ka ma- issue huh..." "Tunay naman ahhh... don't tell me, crush mo rin siya." "Uy, grabe, huh... kinikilig ako sa inyo," "Anu kaba, Zoe? Wag ka nga ganyan; pati ako ay kinikilig." "Uy, nag-blush siya, kinikilig." "Zoe, wag ka nga ganyan. Nakakainis ito." "Uy, kinikilig, nag-blush siya." sa sobrang kilig ay pinag hahampas ko siya ng unan sa katawan niya at agad nahiga sa kama at tinakpan ang aking mukha ng unan. Sa dami namin napag usapan dalawa ay mabilis kami nakatulog dalawa. nagising na lang ako sa sunod sunod na katok mula sa labas ng kwarto kaya agad ako bumangon at lumapit sa pinto. Binuksan ko iyon at halos hindi ko pa naayos ang sarili ko . Gulo- gulo ang buhok ko at nag tatanggal pa ako ng muta sa aking mata. Agad tumambad sakin Harapan ang mukha ni jhoanna. "Gosh ... buti binuksan mo rin ang sakit na ng kamay ko kakakatok ko sa pinto ng kwarto mo." " Anu ba kasi ang dahilan at ang aga aga ay nambubulabog ka?" " Wala kasi si Zoe sa kwarto." " wala talaga siya doon kasi narito siya sa kwarto ko ." itinuro ko ang kinaroroonan ni Zoe at doon ay napa awang ang bibig ni jhoanna ng makita si Zoe mahimbing itong na Natutulog. "Susko, narito lang pala siya kanina pa kami liyong liyo kakaisip kung nasan siya iyon pala ay dito lang siya natulog." " Nakahanda naba ang mga gamit ninyo para sa pag uwi natin?" " Yup, Sige na ako na lang bahala gumising sa kanya para makapag bihis at makapaligo na ako." nang magising ko si Zoe ay agad ko na inayos ang sarili ko maging ang mga gamit ko. Ramdam ko ang bigat ng aking pakiramdam na parang ayaw ko pa umalis kaya naupo muna ako ulit at napahilamos ng aking mukha. Marahil ay ayaw ko pa talaga umuwi dahil ayoko pa makita sina Mommy at Daddy. Mula bata pa ako, naging abala na ang mga ito sa trabaho, at hindi ako nito pinukulan ng atensyon. Yes , binibigay nila ang pangangaylangan ko pero hindi ang pagiging magulang nila sakin . lumaki ako sa pangangalaga ng mga yaya at niwala ako natatandaan na sinamahan nila ako sa mahahalaga araw sa buhay ko. Hindi ko nga naalala na hinalikan at niyakap nila ako. buong buhay ko ay mga yaya at kaibigan ko lang ang naging kasama ko sa mga mahahalaga okasyon ng buhay ko. Maya-maya, humarap ako sa salamin at pinagmasdan ang mukha ko. napangiti na lang ako ng mapait ng makita ang sarili ko. tunay nga na sakin na ang lahat. Maganda, mayaman, sexy, at matalino ako, pero kulang pa rin ako. kulang ako sa pagmamahal ng sarili kong mga magulang. Mabilis na tumulo ang mga luha sa mata ko at agad ko pinunasan iyon. nagdaaan ang b-day ko at hindi man lang nila ako binati sa mismong kaarawan ko. Masakit para sakin iyon, sa tulad ko na nag hahanap ng pag mahal ng isang pamilya. Pinilit ko ayusin ang sarili ko at pinilit ko ngumiti ng pilit. Saka ko kinuha ang gamit ko para umalis na. Nang buksan ko ang pinto, ay agad tumambad sa harapan ko ang mukha ni Michael na nakangiti sa akin. "Ngayon na pala ang alis ninyo." sabay tingin nito sa maleta dala ko. "Ah... uo... pasensya na, hindi ko na sabi sayo. Ano nga pala ang dahilan at naparito ka?" "Ah... kasi gusto ko sana magpaalam sa iyo at hingin ang number mo, " "Ganun ba?" Napangiti ako sa sinabi niya. Kaya agad ko kinuha ang cellphone ko at kinuha sa kanya ang cellphone niya. Inilagay ko doon ang number ko at nilagay ko naman ang number niya sa cellphone ko. "Oh, Iyan, naka-save na ang number ko diyan." "Salamat, Tatawagan kita sa pagbalik ko sa Maynila para makapagkita tayo," nakangiti wika nito sa akin. Ngumiti naman ako sa kanya at tumango. Umaga ako tumalikod sa kanya at naglakad papalayo dito. Pero mabilis na hinawakan nito ang kamay ko para pigilan ako sa pag-alis ko. napatingin ako sa kamay ko na hawak niya bago ako lumingon sa kanya. "Salamat sa oras na nakasama kita kahit saglit lang. Ito ang pinaka masayang araw na dumating sa buhay ko. Ang makilala ang isang babae katulad mo," nakangiti wika nito sa akin na ikinangiti ko naman sa kanya. "Ahmmm, step, pwede ba ako manligaw sayo pag nakabalik na ako sa Manila?" Nagtigilan ako sa sinabi niya, pero sa huli ay napangiti rin ako. May kaunting saya ako naramdaman sa puso ko. Tumango na lang ako bilang sagot sa kanya na ikinatuwa naman nito. Agad ako niyakap nito na ikinagulat ko. "Salamat," Agad din siya bumitaw sa pagkakayakap sa akin at tiningnan ako. "Pasensya kana, labis lang ako natutuwa dahil sa sagot mo." "Alam mo ang O.A mo, huh,pinayagan lang kita manligaw, pero hindi pa kita sinasagot," Napakamot naman ito ng batok kaya napatawa ako sa kanya. "Pwede ba dumito ka na muna?" "Huh, Hindi pwede, may mga kailangan kasi ako asikasuhin pag balik ko sa Manila." "Ganun ba, Sige, mag-iingat kayo. Ahmmm.,Gusto ninyo ba hatid ko na kayo?" "May sasakyan kasi kami." "Ahmm, ganito na lang, sa akin, ka na lang sumabay at hayaan mo na sila sumakay ng sasakyan ninyo. " "Sige na, para may time pa ako makasama ka." Nag-isip muna ako ng ilang sandali bago ako tumango sa kanya. Kaya napangiti ito ng malapad sa naging sagot ko. Mabilis na kinuha nito ang gamit ko, at siya na ang nagdala noon palabas ng hotel. Dahil nga napagkasunduan namin na kay Michael ako sasakay, ay iyon ang nangyari. Inilagay niya ang mga gamit ko sa likod ng kotse, at ako ay inialayan niyang sumakay sa front seat katabi niya. agad niya minaneho ang kotse habang pangiti ngiti tumitingin sa akin. "Oh.... bakit ganyan ka makatingin?" "Ang ganda mo kasi," Nabigla ako sa narinig ko. Ramdam ko ang pag-init ng magkabilang tenga ko kaya nag-iwas ako ng tingin para hindi niya makita ang pamumula ko. Minabuti ko nalang tumingin sa bintana at kutkutin ang cellphone ko para mabilis na makaiwas sa kanya. Nang makarating kami sa airport, ay namaalam na ako sa kanya at pumasok na sa loob nang marinig ko ang pag-ring ng cellphone ko. Nang makita ko ang number ni Michael, ay agad ko sinagot iyon. "Hello." "Bye , Mis, beautiful, mag iingat ka sa byahe mo . Ngayon pa lang na mimis na kita I love you," "Huh... Anung, I love you, ka diyan," "Kunwari, kapa ayaw mo gusto mo naman." Muli ako pinamulahan sa sinabi niya kaya hindi ko maiwasan ang pag-ngiti ko. Gusto ko sana sagutin ang sinabi niya, pero minabuti ko na muna alamin kung paano niya nalaman na kinikilig ako. Kaya agad ko tinanong siya. "Paano mo nalaman, kinikilig ako?" "kasi nasa likod mo ako." Nakatalikod ako kaya hindi ko siya agad nakita. agad ako humarap sa kanya at tiningnan siya. Nakita ko nakangiti ito sa akin habang hawak ang cellphone niya sa kabilang tenga niya. "Anu ang ginagawa mo dito?" "Anu pa edi sasama ako sa pagbalik ninyo sa Manila." sabay ngiti nito sakin. Doon ko lang napansin na may dala itong maleta sa kabilang kamay nito. napatakip ako ng aking bibig at nanlaki ang mata sa pag-gulat. "Tunay?" "Uo naman, gusto mo tingnan mo pa ang laman ng maleta ko." Hinampas ko siya sa balikat niya sa sobrang inis. "Grabe, ka, akala ko hindi ka pa-uuwi." "Pwede ba naman iyon? Ayoko malayo sayo, Ngayon pa at pinayagan mo na ako manligaw sayo." "tsssk... para kang sira," "Uy... anong meron?" tanong ni Zoe. "Wala, wag ka nga chismosa," "Sus... parang nagtanong lang," wika ni Zoe. "May iba ako naaamoy eh, Meron kayong nililihim sa amin. May kailangan ba kaming malaman? "wika ni jhoanna. "Wala," wika ko sa mga ito. Narinig ko ang pag-tikhim ni Michael kaya napatingin ako sa kanya. "Kasi nag sisimula na ako ligawan siya kaya sasama ako sa pag balik ninyo sa manila para ligawan siya." " Oh my god, tunay ba iyan". sabay-sabay na wika ng mga kaibigan ko. "Ikaw manliligaw kay step? Tunay?" gulat na wika ni Jhoanna. " ahhhhh... kinikilig ako," wika ni Zoe. Halos sabay-sabay pa sila nagtatalon sa tuwa sa labis na saya nila. At agad binaling ang tingin nila sa akin, inalog-alog nila ako na parang bola sa labis na tuwa nila. Hanggang sa hinila ko na si Michael para makalayo sa mga kaibigan ko, pero mabilis na sinabunutan nila ako sa labis na tuwa nila. Hindi ko na napigilan ang mapamura dahil sa inasta nila. Hanggang sa makasakay kami ng eroplano, hindi pa rin nila ako tinitigilan sa mga pang-aalaska nila. Naupo kami ni Michael sa upuan habang ang mga kaibigan ko ay nasa likod lang ng upuan namin. Si Michael naman ay hindi maiwasan ang mapangiti habang katabi ako nito sa upuan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD