Pagdating namin sa resort ay agad kami naglibot ni Leo doon; hindi mawalawala ang ngiti sa aking labi habang nakatingin sa malawak na karagatan habang humahampas ng malakas na hangin ang aking mukha. “Nagustuhan mo ba, love? “ “Uo napakaganda Leo.“ “Mabuti naman at nagustuhan mo. Alam mo ba na isa ito sa pinakapaborito ko sa lahat ng ari-arian namin nina Mommy. “Bakit ngayon mo lang ko dinala dito? “ “Pasensya kana, marami kasi mga nangyari sa atin nitong mga nakaraang araw kaya hindi kita nadadala dito. Medyo masakit na sa balat ang init ng araw, kaya mabuti pa pumasok na muna tayo sa loob ng bahay para makapagpahinga tayo. Mamaya na lang tayo mamasyal.“ “Sige Leo mabuti pa nga, nakangiting wika ko dito.“ Agad kami pumasok sa loob ng bahay. Napakaganda at laki ng bahay ni Leo doon

