Ilang beses ako nagpalakad-lakad sa aming silid habang nag hihintay ng balita kay Leo, pero hindi ako nakatanggap ng anomang tawag or txt sa kanya. Hanggang sa sumapit ang hatinggabi ay hindi ito bumabalik; labis ang pag-aalalang nararamdaman ko ng sandaling iyon para sa kanya kaya minabuti ko na hintayin ito kahit antok na antok na ako. Pagdating ng alas tres ng madaling araw, nakarinig ako ng ugong ng sasakyan, kaya agad akong bumaba para salubungin ito. Pag baba ko ng hagdan ay nakita ko si Leo na halos hindi na makalakad sa labis na kalasingan kaya agad ako nagmadaling lumapit sa kanya para alalayan ito. Muntikan pa ito masubsob dahil sa hindi na nito maituwid ang lakad niya. Agad ito napatingin sa akin nang makita niya ako at saka niya ako itinulak palayo sa kanya. “Bakit gising

