Matapos ng mahabang trabaho, ay agad akong umuwi sa bahay. Agad akong dumeretso sa silid ng aking anak upang tingnan ang kalagayan niya. Napangiti ako ng makita na maayos ang kalagayan nito at mahimbing na natutulog sa kanyang crib. Habang ang yaya nito ay abala sa pag-timpla ng gatas niya. “Kamusta kayo dito? “ “Ok naman po kami kaso hirap siya makatulog marahil ay naninibago siya sa paligid niya.“ Ganoon ba? Wag Kang mag-alala, masasanay rin siya," Nakangiting wika ko na ikinatango naman nito sa akin. Agad ko hinaplos ang ulo ng aking anak at saka ko dinampian ng halik ang noo nito. Matapos noon ay agad ko ito iniwan para makapagbihis na ako. Nang nakapagbihis ako ay bumaba na ako para kumain. Habang pababa ako, biglang narinig ko ang pag-ring ng aking cellphone, at nakita ko a

