Chapter 2

1457 Words
"Sinasabi ko na nga ba! Napatagay na naman yang tiyuhin mo! Mabuti na lang at nagawi ako dun sa kina Ibay! Aba ay nahuli ko na nagtatagay na yang mga iyan! Pati yung buko na ipinakuha ko sa kanya dun sa may dulo para mainom mo ay nilaklak na nila!" Talak ng Tiya ko. Nagambala ang pagmununi ko nang dumating sila ng Tiyo ko. Maingay na pumasok ang mag-asawa, una ang lasing kong tiyuhin kasunod ang tiyahin ko na namumutaktak. "Natagayan lang ako dun." Palusot ni Tiyo. Namumungay na ang mga mata nito at nabubulol na ang pagsasalita. Amoy na din ang singaw ng alak sa katawan nito. "Anong natagayan?! Hayan nga at lasing ka na. Kung nagtext pala sayo si Peter nang dumating sya kanina ay mapapanis sa paghihintay sa pantalan sa bayan." Nakapamewang pa ito sa harap namin ng Tiyo ko. Hindi na ako nagulat sa tagpong ito. Nauna nang sinabi sa akin ni Mama na mabunganga daw talaga si Tiya sa asawa niya. Under daw kasi nito si Tiyo. Natatawa ako na pinagmasdan ang mga ito. "Ayos lang iyon dito sa pamangkin mo. Nakita mo naman na nakarating siya dito oh? Binata na. Hindi ba hijo, Peter?" Tanong nito sa akin. Pumipikit-pikit pa ito. "Ayos lang po iyon Tiyo. Pabayaan nyo na si Tiyo Elmer, Tiya Violeta. Minsan lang naman siguro maghappy-happy." "Anong minsan? Aba ay masusunog na ang baga ng Tiyo mong iyan kakainom! Pagkakatapos nang gawa ay tatakbo na iyan dun kina Ibay at maglalaklak yung tatlo nina Gerry!" Ratsada na naman ni Tiya. Tumayo si Tiyo mula sa sofa. Muntik pa itong matumba nang tumama ang binti nito sa center table. Napatawa ako. "Ayan! Anong sinasabi mong napatagay ka lang?" Banat na naman ni Tiya. "Alam mo, Misis" Yumakap pa si Tiyo sa asawa at hinalik-halikan ito sa pisngi at baba. "Ito naman ay minsan lamang. Paglilibang lang." "Bitiwan mo nga ako! Lasenggo ka talaga. Amoy na amoy kang alak!" Natatawang wika ni Tiya. Itinutulak pa nito si Tiyo at hinahampas sa braso. Kiniliti naman ito ni Tiyo at maya-maya ay naghalakhakan na ang dalawa na parang teenager. Napatawa na din ako. "Magtigil ka nga, Elmer at aasikasuhin ko muna si Peter. Pagod itong bata sa byahe." Natatawang lumayo si Tiya at lumapit sa akin. Kinuha nito ang backpack sa sofa. "Halika na, Peter. Tingan mo na itong magiging kwarto mo at nang makapag-pahinga ka. Iyang Tiyo mo, akala yata ay hindi ko siya maaamoy sa inuman." Tumayo ako at kinuha ang hinubad kong damit. Sumunod ako kay Tiya pag-akyat sa second floor ng bahay. NAiwan naman si Tiyo sa ibaba. Muli itong naupo sa sofa at binuhay ang TV. "Dalawa ang kwarto dito sa itaas. Naayos ko na yung isang gagamitin mo kahapon. Kami ng Tiyo mo ay dun sa ibabang kwarto. Tamad umakyat-baba yang Tiyo mo. Mas madali daw niyang marinig kapag may magpapa-vulcanize o magpapaayos ng motor o tricycle." Paliwanag nito. Medyo nakadama ako ng awa sa kanila dahil hindi man lang sila nabigyan ng kahit isang anak. Sa kanilang pitong magkakapatid, si Tiya Violeta lang ang walang anak. Nawala naman agad ang awa na naramdaman ko dahil alam ko naman na maalwan at masaya ang pamumuhay nila. Binusog nilang mag-asawa sa pagmamahal ang bawat isa kaya hindi na siguro nila alintana ang hindi pagkakaroon ng anak. Nang makaakyat kami sa second floor ay binuksan ni Tiya ang pinto na halatang varnished narra, tulad ng ibang muebles sa first floor. "Oh hala. Pumasok ka na at magpahinga. Alam kong pagod ka sa byahe. Lalo na sa barko." "Oo nga po. Sumakit yung binti at balakang ko." Sabi ko. "Iyan nga ang problema namin tuwing lumuluwas. Lalo na ang Tiyo mo. Lagi na lang may sumasakit kapag nakasakay kami sa barko." "Sino po pala ang gumagamit ng dalawang kwarto?" Turo ko sa dalawang pinto. Yung isa ay kulay baby pink at yung isa ay varnished narra din. "Akala ko po ay dalawa lang yung kwarto dito?" "Ah iyon ba? Yung pink ay CR, yung isa naman ang kwarto." Paliwanag nito. "Ah." "Ay hala at magpahinga ka muna. Iintindihin ko naman ang lasenggero mong Tiyo." "Sige po. Salamat po Tiya." Isinara nito ang pinto nang kwarto at maya-maya ay narinig ko na ang boses nito na tinatawag ang Tiyo ko. Pinagmasdan ko ang magiging kwarto ko sa buong summer vacation. Ang mga bedsheets, kumot at punda ay green and white. Ang pintura ay cream and white at ang kurtina ay dark green. Nakabukas ang sliding window kaya tanaw ko ang highway at ang shop ni Tiyo. Ang mga dahon naman ng malaking puno ng mangga ay nakaharang sa west side kaya nahaharangan ang sikat ng araw. Masarap ang hangin kaya madali akong inantok. Mabilis kong tinawagan si Mama upang sabihin na nakarating na ako. Nagbilin siya na magpakabait daw ako at wag pasakitin ang ulo ni Tiya. Bata? Fourth year college na ako next sem ah! Nakatulog ako matapos naming mag-usap ni Mama. Nahiga ako sa malambot na kama at ipinikit ang mata. Maginhawa. Mawiwili ako dito. Alas-kwatro na ng hapon nang magising ako dahil sa katok ni Tiya sa pinto. "Bumangon ka na at hapon na. Baka wala ka nang itulog mamaya. Maghahapunan pa tayo." Sigaw nito. "Opo." Matapos ayusin ang sarili ay lumabas na ako ng kwarto. Nakita ko na nagluluto si Tiya. Nakabukas ang TV at nakatutok sa isang panghapong serye. Koreanovela. "Maglibot-libot ka muna at nang hindi ka mainip dito sa niluluto ko. Silipin mo yung tabing-dagat. Huwag ka lang lalayo ha?" Utos nito sa akin. Alam ko naman na adik siya sa Koreanovela tulad ng sabi ni Mama. Ito daw ang isa sa mga iilang libangan ni Tiya bukod sa maglinis ng bahay, magluto at talakan si Tiyo about sa pag-iinom nito. "Sige po." Lumabas ako ng bahay at sinuot ang slippers na naita ko sa pinto. Naglakad ako papunta sa highway. Pagdating ko sa tapat ng shop ay nakita ko si Tiyo. Merob din itong kasamang dalawang lalaki at isang babae na nakaupo sa upuang kawayan doon. "Ano po iyan, Tiyo?" Turo ko sa ginagawa niya. "Ito? Ay nagbo-vulcanize ako. Nadale ng concrete nail ang gulong ng motor ng mga ito ah." Turo nito sa dalawang lalaki at isang babae na naka-outfit na pang-rider. Complete with helmet and knee pads. Naalala ko tuloy ang mga Power Rangers dahil sa helmet. "Saan ka pupunta?" "Diyan lang po sa tabing-dagat. Nagluluto po si Tiya eh sabi nya umikot daw muna ako." "Ay hala, mabuti pa nga nang hindi ka mainip. Hindi mo maaagaw sa Tiya mo ang TV kapag yung teleserye na ang palabas.. Huwag ka lang lalayo at saka lulusong sa dagat. Mahirap at papagabi na. Kahit na ba marunong kang lumangoy." Bilin nito. "Opo. Diyan lang po ako sa tapat." Tumawid ako ng highway at naglakad sa isang trail na tinutumbok ang dagat. Medyo makapal ang mga punong-kahoy at halamang dagat sa lugar na ito kaya hindi ko masyadong kita ang dagat. Hindi tulad noong nasa second floor ako ng bahay. Matapos ang limang minutong pagbaybay sa trail ay tumambad na sa akin ang pino at puting buhangin, pati na ang malinaw na tubig ng dagat. Pakiramdam ko ay nasa langit ako. Nasa paradise. Basta lang akong nakatayo sa pwesto ko at pinagsawa ko ang paningin ko sa ganda ng paligid. Bihira akong makakita ng ganito kagandang tanawin na alam kong kakaunti pa lang ang nakakakita at nakapunta. Hindi tulad sa mga sikat na beach destination tulad ng Boracay. Mas lalo pang nagpaganda ng tanawin ang unti-unting pagbabago ng kalangitan dahil sa papalapit na sunset. Napatingin ako sa suot kong relo. Quarter to five na pala. Ang bilis ah! Papagabi na. Nakita ko na mula sa kulay asul at puti, nagbago ang kulay ng langit. Naging kulay pink, papunta sa orange, papunta sa bright red at yellow. Hanggang sa halo-halo na ang mga kulay na lalong nagpaganda sa paligid. Nice. Walang ganito sa Manila. Kahit pa sa maingay na Baywalk. Pumikit ako at inilagay ko ang dalawang kamay ko sa mga bulsa ng suot kong walking shorts. Nakatayo pa din ako aa pwesto ko. Nakalubog ang paa sa mainit-init pang white sands. Inhale-exhale. Feeling ko ay sobrang close ko sa nature. Tama si Manong driver kanina. Alaga nga ang natural wonders sa lugar na ito. "Ang ganda no?" Muntik na akong atakihin sa puso nang may biglang magsalita sa tabi ko. Malakas ang kabog ng dibdib ko ng lumingon upang tingnan kung sino ang walanghiyang nanggulat sakin. Nalulon ko din ang dila ko. Para akong nakakita ng isang diwata.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD