Sa isang private clinic ng Centuria Tower building agad na dinala si isay. ilang minuto lang ang lumipas ng muling magbalik ang malay niya. Nakita niya ang sariling nakahiga sa isang malambot na kama. Habang si Ella naman ay nakaupo sa gilid niya na abot tainga ang ngiti dahil sa kilig. Dahan dahang siyang bumangon.
" Gising na pala ang beshie kung maganda!"
"Anong nangyari Ella?" tanong ni isay sa kaibigan.
"Ayyyy.....Hindi mo ba ma alala? Hinimatay ka! Hindi mo ba matandaan?"
" Ano!? Eh sino ang bumuhat sa akin papunta dito sa clinic?" nagtatakang tanong niya.
"Haaayyyy.... isay, sana ako na lang ang hinimatay girl!" kinikilig na sabi ni Ella.
" Bakit naman? Ano bang pinagsasabi mo?"
" Omg! si Mr Saavedra pa mismo ang nagbuhat sa'yo papunta dito sa clinic. Ang suwerte mo girl."
" Ano ba yan Ella? Nakakahiya naman sa kanya!"
" Hayaan mo na! Isipin mo na lang na, its your lucky day! "
"Gaga! Inaabot ka na naman ng kabaliwan mo. " natatawang sambit ni isay.
" He he he he....Pag nakita ko si Mr Saavedra. Pipilitin kung himatayin. Para buhatin niya din ako. " pilyang sabi ni Ella.
" Ayyyy...Ang galing! Itanong mo muna kaya kung okay lang ba ako?Puro ka kilig eh!"
" Sorry naman...Bakit kaba hinimatay? Ano bang nangyari sayo? Ay alam ko na! Malamang hindi ka nag almusal kaya_"
"Nahihiya ako sa kanya." Putol ni isay sa sinasabi ni Ella. " Di'ba kanina nga nagpunta ako sa bathroom. Kakamadali ko ay di ko napansin na banyo pala ng lalaki ang napasok ko. Nalaman ko na lang ng biglang lumabas si Mr Saavedra sa isa sa mga cubicle. Lalapitan niya sana ako. Inabot ako ng takot. Kaya ayon nasipa ko siya bigla sa maselang bahagi ng katawan niya bago ako lumabas nagtatakbong lumabas ng banyo. "
"Ang arti mo hah? Choosey kapa sa lagay na yan? Eh ang yummy kaya ni Mr Saavedra. Kong ako yun, yayakapin ko na siya agad!" panghihinayang ni Ella.
"Ibang klase ka talaga girl. Mabuti pa tara na at nakakahiya na. Umalis na tayo dito." Tuluyan ng tumayo si isay mula sa pagkakahiga.
Akmang paalis ng silid sina Ella at isay ng bigla silang makarinig ng mga katok mula sa pinto. Nagkatinginan sila. Si Ella na ang nag bukas ng pinto.
Biglang nanlaki ang mga mata ni Ella ng buksan niya ang pintuan. Kasabay no'n ang panlalambot at panginginig ng buong kalamnan.
"Mr Saavedra!" gulat na sambit ng babae.
Biglang napahinto si isay sa pag aayos ng marinig ang pangalan ng lalaki. Agad siyang napatingin sa direksiyon ng pinto. Kinabahan siya bigla ng makita ito.
" Pwede ba akong tumuloy?" nakangiting tanong ng lalaki
" Si-sige po. " Di' pa din makapagsalita ng maayus si Ella. Halos di kumukurap ang mata ng dalaga sa pag titig sa mukha ng lalaki.
Pumasok ang lalaki sa silid at saka dumiretso sa kinaroroonan ng tulala pa ding si isay. Samantalang nanatili namang nakatayo sa tapat ng pinto si Ella na malamang ay kung hindi ito nakahawak sa doorknob ay kanina pa ito natumba sa sahig dahil sa kilig.
" Nag paalam ako kay nurse Jean kung puwede na kita makita. Anyway! im here just to check your condition. Kamusta na pakiramdam mo? " tanong ni Mr Saavedra.
"Okay na po ako sir! Sorry po uli. " nahihiyang wika ni isay na halos hindi makatitig sa mata ng lalaki.
"Since okay kana naman! Gusto kung sabihin sa inyo pareho na. ill hired both of you as a fashion consultant! congratulations!" bati ni Mr Saavedra.
"Talaga po?" gulat na tanong ni isay.
"Yes, of course." sagot ng lalaki.
Muntik ng mapatalon sa saya sina Ella at isay. Mabuti at nakapagpigil sila.
"Tatawagan na lang kayo ng Human Resources for orientation at training. "
"Salamat po Mr Saavedra. " Hindi napigilan ni isay ang sarili na mayakap ang lalaki.
Biglang nanlaki ang mata ni Ella sa nasaksihan. Bigla siyang kinilig sa dalawa. Samantalang sing bilis naman ng kidlat na natauhan si isay kaya agad siyang napakalas pagkakayakap.
"Ayy....Sorry po!" pumanhin ni isay.
"Its okay! By the way! Aalis na ako at marami pa akong gagawin sa office." paalam ni Mr Saavedra saka tuluyang nilisan ang silid.
Nakangiti namang pinagmamasdan ni Ella ang kaibigan sabay palakpak.
"Ikaw na talaga! May nanalo na. yung mga galawan mo girl, halata!" biro ni Ella.
"Hind ko sinasadya yun!" depensa ni isay.
" Defensive ka agad teh! Ano kaba? Okay lang yan. Buti pa na kumain na tayo. Tanghali na't kanina pa ako nanginginig sa gutom," pag aaya ni Ella.
............................................
Sa isang karendirya kumain sina isay at Ella. Masaya silang dalawa habang kumakain. Hindi sila makapaniwala na sa kabila ng mga nakakahiyang nangyari ay gano'n kabilis pa din silang natanggap sa trabaho. Bago sila umuwi ay dumaan muna sila sa Quiapo church upang magsimba at magpasalamat dahil sa bago na nilang trabaho.
Lumipas ang ilang araw at dumating na ang oras ng paglisan ni Ate Bevs sa pilipinas para magsimula ng buhay may asawa sa bansang Qatar. Inihatid siya sa airport ng ilang malapit na kaibigan kasama na sina isay at Ella. Malungkot sila sa pag alis ng amo. Ngunit sa isang banda ay masaya na din sila dahil sa wakas ay lalagay na ito sa tahimik.
..........................................
"Mr Arnold Saavedra, Founder and CEO of Sahara's Cotton." pagpapakilala ni Ms Zenaida Cruz.
Nasa komportableng silid na tila isang maliit na home theater ang mga newly hired fashion consultant at kabilang na nga dito sina isay at Ella sa mga nag o'orientation about clothing lines at kung ano ang history ng kompanya.
Natuon ang mga mata ni isay sa larawan na makikita sa widescreen. Namangha siya sa kaga guwapuhan ng amo. Mas na istima niya ang itsura nito kumpara dati noong aksidente niya itong makita sa banyo ng mga lalaki.

Bata pa ito na sa tantiya niya ay bente singko pa lang ang edad. Mapupungay ang mga mata nito na tila laging nangungusap. May magandang pilik mata ito at may buhok na sing itim ng gabi. Matangos ang ilong nito at may mapulang labi. At ang lalong nagpadagdag sa pagiging mala Adonis na itsura nito ay ang kulay mestizo nitong balat.
Mga katangian ng isang lalaki na sa novela niya lang nakikita. Ito yung tipo ng lalaking di mo alam kung sesiryusohin ka o hindi. Atlist! Ngayon alam na niya na kahit gaano pa siya kaganda ay suntok sa buwan na magustuhan siya nito.
" Sa Saudi Arabia pa nanggagaling ang mga telang ginagamit para sa cloths for men at children's wear. " pagpapatuloy ni Ms Zenaida.
Tumagal pa ng dalawang oras ang orientation bago ito natapos. Ibinigay na kina isay at Ella ang magiging uniform nila sa trabaho. Sexy black slacks pants at white blouse na may na logo na "Magas," sa wikang arabic na ang ibig sabihin sa tagalog ay "Sukat."
..............................
Masaya at positive vives si isay habang lulan ng isang jeep. Unang araw niya sa trabaho at gagawin niya ang best performance niya para dito. Hindi sila magkasama ni si Ella sa trabaho dahil sa ibang outlet ito na assign. Ganun pa man ay tiwala siya kabigan na pagbubutihin din nito ang bago nitong trabaho.
Zaragoza center mall. Dito naka puwesto ang isang outlet ng Magas rtw na pagtatrabahuan ni isay. Pagdating ng dalaga sa trabaho ay masaya siyang sinalubong ni Ma'am Emma ang store manager. Si Hazel na isa ring fashion consultant at si Roy ang stockman.
"Hello po, ako si Isadora, isay na lang ang itawag niyo sa akin. "
"Hai! Ako si Hazel."
"Hello! Ako si Ma'am Emma. "
"Hai, im Roy at your service, miss beautiful. " ani Roy na inilahad pa ang kamay.
"Naku! Tumigil ka nga! " angil ni Hazel sabay tabig sa kamay ng lalaki at saka lumapit kay isay at hinawakan ito sa braso.
"Sobra naman toh! Magpapakilala lang ah! " Reklamo ni Roy habang nagkakamot ng ulo.
"Naku isay. Huwag kang magpapalinlang sa Roy na yan! Sing haba ng edsa ang listahan ng mga babaeng naloko niyan." nakangiting sambit ni Hazel.
"Nagseselos ka lang eh!"
"Wow hah! Ang kapal ng mukha mo!"
"Tama na yan! Hazel ituro mo na kay isay ang mga dapat niyang gawin, Roy may mga new-arival na t-shirt at pants na dumating kanina, i-received mo na sa delivery area." utos ni Ma'am Emma.
Hinila na ni Hazel si isay sa stockroom upang ituro sa bagong katrabaho ang mga item ng kanilang ibebenta sa costumer. Kinuha naman ni Roy ang malaking cart at bumaba na sa delivery area ng shopping mall. Si Mam Emma naman ay nagpunta na sa counter upang ayusin ang ilang sales report, benta at attendance ng mga impleyado.
Oras na ng tanghalian. Dahil bago pa lang siya sa trabaho kaya sinamahan muna siya ni Hazel sa canteen ng mall. Dito kumakain lahat ng impleyado, security guard, jannitor, at lahat tenant ng shopping mall.
Masayang nagkuwentuha ni Hazel habang kumakain. Kahit bago pa lang silang mag-katrabaho ay naging komportable na sila sa isa't isa. Nasa kalagitnaan sila ng pagkain at kuwentuhan ng biglang may nasabi si Hazel.
" isay! Ang guwapo talaga ni sir Arnold noh!"
Biglang siyang nasamid sa sinabi nito. Kinuha niya ang isang basong tubig at agad niya itong ininom.
"Oo naman!"
"Alam mo bah ang chika? May asawa na pala yang Sir Arnold. Kaso may nanyaring daw na hindi maganda." biglang naging malungkot ang tono ng bose ni Hazel.
Biglang kinurot ang puso isay sa narinig. Ayaw man niya aminin ngunit tila ba bigla siyang nakaramdam ng kaunting selos dahil sa may asawa na pala ito. Ngunit sa isang banda ay nagkaroon siya ng interest sa ikinukuwento ni Hazel kaya sinundan niya ito agad ng tanong.
"Anong nangyari?"
"Pinatay kasi yung asawa niya!"
Napalunok si isay sa nadinig. Biglang dumagundong ang kaba sa kanyang dib dib. Hindi siya kumukurap habang inaantay ang kasunod na sasabihin ni Hazel.
"Walang gaanong naka alam no'n. Wala ngang nakakaalam kung nabigyan ba ng hustisya ang kamatayan ng asawa ni Sir Arnold. "
"Papano mo nalaman ang mga bagay na yan?" tanong ni isay.
Uminom muna ng isang basong tubig si Hazel bago sinagot ang tanong.
" Narinig ko lang din ang balitang yan doon sa mga dati kung kasama sa ibang branch. Alam mo naman ang kasabihan na may pakpak ang balita."
Nagkibit- balikat na lang si isay. Hindi naman big deal sa kanya ang nakaraan ng amo. Sa katunayan ay nagkakasala na nga siya ng palihim dahil nagdiriwang ang puso niya sa nalaman na patay na pala ang asawa nito.
Ngunit alam din niya na maraming babae higit pa sa kanya ang nagkakagusto sa guwapong amo. Kaya wala siyang ibang choice kundi ang manahimik at ikubli ang damdaming unti unting umuusbong.
***************
May malungkot na nakaraan pala si Arnold...
Don't forget to comment.