bc

A WOMAN IN MY DREAM...

book_age16+
338
FOLLOW
1K
READ
mystery
like
intro-logo
Blurb

" Ang babaeng 'yan!" nanginginig ang boses ni isay sabay turo sa painting.

Agad namang nilingon ni Arnold ang painting." Si Belinda yan! Ang ex-wife ko."

"Arnold di ko alam kung paniniwalaan mo ako! Pero dalawang beses ko na siyang napapanaginipan at sa panaginip ko'y pinapatay siya ng isang babaeng naka-gown. "

" Ano bang pinagsasabi mo? Eh mga kidnappers ang pumatay kay Belinda. Malabong mangyari ang sinasabi mo, ni hindi nga kayo magkakilala. ni Belinda."

"Ewan ko! Hindi ko alam! Pero sigurado ako na siya talaga yong babae sa panaginip ko."

"Kabaliktaran lang ang panaginip, isay. Puwedeng totoo, puwede rin hindi. Kalimutan mo na lang 'yon."

Si Belinda-ang yumaong asawa,

si Arnold-ang biyudo, at

si isay -ang bagong girlfriend.

Ano ang misteryong bumabalot sa pagkamatay ni Belinda at bakit kaya ito napapanaginipan ni isay?

Magagawa bang protektahan ni Arnold si isay sa kamay ng mga taong sumira ng buhay nila ni Belinda? O mapapahamak lamang ito gaya ng nangyari sa kanyang unang asawa?

Ano anong mga rebelasyon ang mabubunyag kay isay sa oras na maging kabiyak na siya ni Arnold?

Sila ang mga karakter na magpapakilig, mananakot at magpapaiyak sa nobelang ito na bunga ng malawak na imahinasyon ni Kuya Kilabot.....

Start writing July 2021..

Finish writing May 2022..

chap-preview
Free preview
Prologue....The bloody death of Belinda Saavedra...
Masakit ang ulo at nahihilo pa si Belinda ng magbalik ang kanyang ulirat. Ramdam niya kaagad ang matinding kirot sa magkabilang bisig. Mabilis niyang pinagmasdan ang sarili at gano'n na lang ang pagkabigla niya ng makita ang mga bisig na nakadipa at nakatali gamit ang matalas at kalawanging barbwire na nakadikit sa magkabilang pader. Halo's hindi tumitigil ang patak ng dugo na nagmumula sa kanyang pulso na sinabayan pa ng pamamaga ng kanyang mga bukong bukong sa paa dahil sa mga kadenang nakapulot dito. Kahit mahirap ay pilit pa ding kinakapa ni Belinda sa alaala ang lahat ng nangyari bago siya napadpad sa mala impyernong sitwasyon na kanyang kinasasadlakan ngayon. Ang huling naalala niya ay pauwi siya mula sa kanyang bridal shower party. Guhit pa ang ngiti sa kanyang mukha habang binabagtas ang daan papunta sa parking lot kung saan naka park ang sasakyan niya. Nang nasa sa parking lot na siya at akmang bubuksan na ang pinto ng sasakyan ng bigla na lang paluin ng isang matigas na bagay ang likod na bahagi ng kanyang ulo na naging dahilan ng pagkawala niya ng malay. Pinagmasdan ni Belinda ang boung paligid. Kasalukuyan siyang nasa isang bakanteng silid siya. Maalinsangan sa buong silid. Tanging ang nakasarang pinto lang ang kanyang nakikita. Hinang hina na din siya dahil sa dami ng pawis na nawala sa kanya dahil sa sobrang init. Maya maya ay biglang bumukas ang pinto at pumasok ang isang babaeng naka sout ng gown na nahahawig kay Cinderella. Mahaba ang kulay dilaw nitong buhok. May kulay puting maskara ito sa mukha at hawak nito ang isang mahaba at kalawanging itak. " Pakiusap, maawa ka sa akin ayoko pang mamatay! " Pagmamakaawa ni Belinda na halo's maghilamos na ng luha kakakiyak. " Ahas lang babae ka! Traydor! Dapat sa kagaya mo kinakaliskisan! Pinapatay!" pasigaw na wika ng misteryosang babae. Humakbang ang babae papalapit sa kanya. Pagkatapos ay Itinaas nito ang hawak na itak at saka walang awa nitong pinagtataga ang boung katawan niya. "Aaaaaaahhhhhhhhhhh!" Malakas at nakakakilabot na sigaw ni Belinda. Walang pakialam ang salarin kung saang parte ng katawan ni Belinda tatama ang itak nito.Sa braso, dib dib, hita, tiyan at tadyang. Tila naging bingi ito sa pagmamakaawa ng babae na halo's naliligo na sa dugo at tila binalatan ng buhay. Nagkalat sa sahig ang mga hibla ng laman ni Belinda. Samantalang nag kulay pula naman ang pader ng silid dahil sa dami ng mga talsik ng dugo. Kitang kita sa mukha ng babae ang matinding hirap at sakit dahil sa mga taga ng itak na natamo. Maya maya'y nakaramdam na ang salarin ng pagkapagod. Saglit itong tumigil ng makitang naghahabol na ng hininga si Belinda. Napayuko ito at tinanggal ang maskarang sout at saka nakangising humarap sa mukha ni Belinda. "Any last word, before you die!" Hinihingal na sabi ng killer. "b***h!" Nakangiting sabi ni Belinda sabay dura sa mukha ng killer. Biglang nayamot ang killer sa ginawa niya. Hindi nito napigilan ang sarili at agad nitong itinaas ang hawak na itak saka buong lakas nitong tinigpas ang ulo ni Belinda. Tumalsik ang ulo ng babae sa isang sulok ng silid. Nagmistulang fountain ang mga dugong sumisirit mula sa leeg ng babae. Walang pagsidlan ang saya ng salarin. Isinout nitong muli ang maskara. Labis ang sayang nadarama na sumasayaw sayaw pa ito habang naglalakad palabas ng duguang silid...... ******************* Sino ang killer na nagtatago bilang si Cinderella? Who is she? In joy reading guys.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

The Ruthless Billionaire. Hanz Andrew Dux

read
78.4K
bc

His Obsession

read
104.8K
bc

MAGDALENA (SPG)

read
31.2K
bc

The Cold Billionaire

read
17.9M
bc

Under The Rose: THE MAFIA'S FORBIDDEN DESIRE ( SPG )

read
7.7K
bc

De Silva's Temptation

read
22.7M
bc

Daddy Granpa

read
283.1K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook