" Ang babaeng 'yan!" nanginginig ang boses ni isay sabay turo sa painting.
Agad namang nilingon ni Arnold ang painting." Si Belinda yan! Ang ex-wife ko."
"Arnold di ko alam kung paniniwalaan mo ako! Pero dalawang beses ko na siyang napapanaginipan at sa panaginip ko'y pinapatay siya ng isang babaeng naka-gown. "
" Ano bang pinagsasabi mo? Eh mga kidnappers ang pumatay kay Belinda. Malabong mangyari ang sinasabi mo, ni hindi nga kayo magkakilala. ni Belinda."
"Ewan ko! Hindi ko alam! Pero sigurado ako na siya talaga yong babae sa panaginip ko."
"Kabaliktaran lang ang panaginip, isay. Puwedeng totoo, puwede rin hindi. Kalimutan mo na lang 'yon."
Si Belinda-ang yumaong asawa,
si Arnold-ang biyudo, at
si isay -ang bagong girlfriend.
Ano ang misteryong bumabalot sa pagkamatay ni Belinda at bakit kaya ito napapanaginipan ni isay?
Magagawa bang protektahan ni Arnold si isay sa kamay ng mga taong sumira ng buhay nila ni Belinda? O mapapahamak lamang ito gaya ng nangyari sa kanyang unang asawa?
Ano anong mga rebelasyon ang mabubunyag kay isay sa oras na maging kabiyak na siya ni Arnold?
Sila ang mga karakter na magpapakilig, mananakot at magpapaiyak sa nobelang ito na bunga ng malawak na imahinasyon ni Kuya Kilabot.....
Start writing July 2021..
Finish writing May 2022..
Kung paramihan ng skills ang pag-uusapan, hinding-hindi ako magpapahuli d'yan. Ako ang bida sa kuwentong ito, eh! Char! I am Sassy nga pala. Tubong Taguig, madiskarte sa buhay, nasubukan ko nang maging waitress, dishwasher, yaya, business manager, pati na rin doctor, and too many to mention! Saan ka pa?
But sabi nga nila, no one is perfect. That's why kahit gaano karami ang skills ko, merong isang bagay na hindi ipinagkaloob sa akin ng langit. I am not very pretty, and being sexy isn't on my dictionary. Pero meron akong isang maipagmamalaking personality na bumihag sa puso ng isang lalaking chinito ang mata, malaki ang galit sa mundo, laging magkasalubong ang mga kilay, at mataas ang tingin sa sarili.
Ang layo namin sa isa't isa, pero bakit parang ipinaglapit pa kami ng tadhana? Nakainom ba si Kupido at biglang pinana ang puso ng lalaking iyon para mahulog sa isang tulad ko? O ang langit mismo ang naghulog nito bilang kapalit sa kagandahang hindi ibinigay sa akin?
Tunghayan n'yo ang kuwento ng babaeng hindi kagandahan pero pinagkakaguluhan. That's me and this is my story.
ALL THAT I NEED
by KuyaKilabot