Chapter 1.. Sassy prayers.....
Sassy pov......
" Doctora! Buti't nakita kita, Libre kaba mamaya? "
Tanong sa akin ni Aling Carmen ng mapadaan ako sa tapat nang bahay niya. Kasalukuyan itong nakaupo at naglalaro ng binggo kasama ang ilang kapitbahay.
"Opo! Pwede po ako mamaya, mga anong oras po ba? " nakangti kong tanong.
" Mga alas- tres mg hapon!"
"Ahh.... okay... sige po, mamaya, pupunta po ako."
"Salamat sa oras iha, at dahil diyan ay ipagluluto kita ng paborito mong meryenda, yung lumpiang tauge."
" Wow...naku salamat po....Sige po aalis na ako at magluluto pa ako ng ulam namin para sa tanghalian namin ni Tita Bethany," paalam ko bago ko simulang ihakbnag uli ang mga paa ko.
Biglang gumuhit ang ngit sa aking mukha habang binabagtas ko ang daan pauwi sa bahay ko. Meron na naman akong pasyente mamaya. Meaning na magkakapera na nakan ako. Ako si Sassy short for Esseydra Dimayacyac. Paalala lang hah! Hindi ako totoong Doctora. Dito sa Mababang loob street sa lugar ng tipas Taguig ay Doctora kung ako'y tawagin at ituring ng mga kakilala at kapitbahay ko dito.
Papano ba naman kase. Lahat ng lamig at mga simpleng pilay sa katawan nila ay kaya ko tanggalin.Yes! Isang akong masahista. Nagpapagaling at nagbibigay kaginhawaan sa mga katawang pagod at hapo.
Pero bukod sa pagmamasahe ay isa din akong akong manicurista. Pagdating sa pagpapaganda at tamang paglilinis ng kuku ay expert na expert ako diyan. Minsan nga kahit patay na yung kuku ay nagagawa ko pang bigyan ng buhay at pagandahin sa tulong ng mahiwaga kong kamay.
Bukod sa mga skills ko ay kilala din ako dito sa lugar namin bilang si Miss Rakitera. Lahat kasi ng pwedeng pagkakitaan gaya ng pag papart time waitress, Dishwasher, yaya at kung ano ano pa ay kaya kung gawin. Wala akong inuurungan na kahit yata maging albularya sa mga na engkanto ay gagawin ko. Basta pagkakaperahan sa marangal at legal na paraan ay game ako.
Sa kagaya kung k-twelve lang natapos at hindi na nakapagpatuloy ng pag aaral sa college ay biyaya na sa akin ang magkaroon ng maraming skills para mabuhay sa mundong aking ginagalawan.
Sinipat ko ang relo sa aking bisig. Alas-onse na ng umaga. Mainit ang sikat ng haring araw. Ngunit hindi ko alintana ang hapding dulot nito sa aking maputing balat.
Mula sa palengke ay mas pinili kung maglakad pauwi kaysa mag tricycle. Isa kasi ito sa mga paraan ko na kahit papano'y maging healthy ang katawan ko kahit ako'y mataba.yes! Chubby ang katawan ko at hindi ako gaya ng ibang babae diyan na mala coca cola body na kadalasang nagugustuhan ng mga lalaki.
Pero kahit na ganito ako ang katawan ko at average look lang ang mukha ko ay wala akong insecurity sa katawan. Proud, masaya at kuntento ako sa anong itsurang ibinigay ni lord.
Pag uwi ko ng bahay ay nadatnan ko si Tita Bethany sa sala na nakaupo sa sofa at tila kanina pa ako inaantay
" Uyy! Sassy, iha buti at dumating ka na! Kamusta ang mga bilihin sa palengke? " Masayang bungad sa akin ni Tita Bethany.
Saglit kong inilapag sa center table ang mga pinamalengke ko at umupo sa tabi ni niya.
"Gaya pa din ng dati Tita, presyong ginto pa din ang halaga ng bangus at ilang mga rekado, mabuti na lang nakakatawad pa ako sa mga tindera, mukang masaya kayo Tita hah!"
"Nag txt sa akin si Madam Rosa, galing siya ng Dubai at nandito siya ngayon sa pilipinas para mag bakasyon, isa ito sa mga, galante kung costumer noong nangangamuhan pa lang ako sa parlor dati, at nag message siya sa akin sa f*******: at ikaw ang inirekomenda ko, magpapa linis daw siya ng kuku, kamay at paa, pagkatapos ay I-massage mo din daw siya."
" Talaga po... Hay Salamat naman..buti na lang Tita at sunod sunod ang dating ng biyaya sa atin, mamayang hapon kasi magpapa service din si Aling Carmen, alam na, malapit na ang bayarin ng kuryente, internit at tubig."
" Mabait at gaya nga ng nasabi ko kanina ay galante magbigay ng tip si Madam Rosa, kaya gandahan mo ang serbisyo mo sa kanya bukas."
" Oo naman, Tita! Hindi kita ipapahiya sa kaniya, no! lahat ng ingrome niya sa paa ay tangal ng ninety nine point percent, pramise! "
"Yan ang gusto ko sayo eh, laging malakas ang loob mo!"
"Siyempre naman tita, di ba nga, ang palagi nating goal dalawa ay_"
"Ilaban natin yan!" sabay naming bigkas ni Tita Bethany saka tawa ng malakas.
"Pabili nga po!"
Boses ng isang bata ang narinig ko sa tapat ng sari sari store ni Tita Bethany.
" Buweno, saglit lang at may bibili." Tumayo na si Tita Bethany para pagbilan ang bata.
Ako naman ay nagtungo na sa kusina bit bit ang aking mga pinamili sa palengke para magluto na ng aming tanghalian.
Pagdating ko sa kusina ay patakbong sinalubong ako ni Blake. Ang kulay itim na alaga kung pusa na sobrang amo sa akin. Inamoy amoy nito ang paa ko at kalaunay naglambing na ito.
" Hay Blake my baby! Gutom kana ba? Sandali lang hah!" Ipinatong ko sa lamesa ang dala kung plastic pagkatapos ay kinuha ko dito ang isang supot ng cat food na binili ko at saka ko isinalin ko sa lagayan ng pagkain ng pusa.
Pagkatapos ay umupo na ako sa upuan at sinumulan ko ng hiwain lahat ng rekado sa lulutuin kung sinigang na bangus. Habang ginagawa ko ito ay panandaliang sumagi sa isip ko ang masalimuot na nakaraan ko.
Ulilang lubos na ako. Namatay ang Tatay ko sa high blood. Pitong taon pa lang no'n. Ilang buwan pa lang ang nakalipas ng sumunod namang namatay ang Nanay ko. Dahil sa sobrang depression ay kinitil niya ang sarili niyang buhay sa pamamagitan ng paglaslas sa kanyang pulso. Haayyy...sa sobrang pagmamahal ni Nanay kay Tatay ay sinundan na niya ito kaagad sa langit.
Pero sa isang banda ay masaya na din ako. Atlist dahil magkasama na sila sa kabilang buhay. Sa isip isipin ay masaklap at masalimuot ang mga nangyari sa kapalaran ko. Pero kailangan ko tanggapin at ituloy lang ang buhay.
Mabuti na lang at may tiyahin ako na sobrang bait. Bunsong kapatid siya ni Tatay. Siya ang ibinigay ng dios sa akin upang ako'y gabayan sa aking paglaki. Inampon niya ako at itinuring na tunay na anak. Pinalaking niya akong busog sa pagmamahal. Ang masama nga lang ay pati mga bilbil at baby fats ko ay nakisabay sa pagdadalaga ko. Well. Ganun talaga magmahal si Tita Bethany.Siksik...liglig.... At umaapaw.
Ako na lang ang ang pamilya niya. Wala siyang naging anak at asawa.Hindi dahil sa pihikan siya sa babae dahil ayaw talaga niya ng babae. Dahil lalaki ang gusto niya. Yes again! Bakla si Tita Bethany. Roberto Dimayacyac ang totoo niyang pangalan. Pero dahil nga sa bakla siya ay pinalitan niya ang pangalan niya ng Bethany.
Dati siyang nangangamuhan sa isang sikat na parlor sa Makati bilang manicurista at images hairstylist. Ngunit sa paglipas ng panahon ay na bankrupt ang parlor na pinapasukan niya. Ibinay naman ang tamang benepisyo sa kanya na di kalaunay nagamit niya itong puhanan sa kanyang sari sari store.
Masaya at kuntento na ako sa buhay. Kahit kameng dalawa lang ng Tita Bethany ko ang magkasama sa araw araw. Wala na akong mahihiling pa at masaya akong kasama siya. Hindi ko siya iiwan. Sasamahan ko siya hahanggang sa pinaka dulo ng kanyang hiningan.
*************
Nagtapos ang boung araw ko na abot tainga ang ngiti. Dahil bukod sa masarap na meryendang inihain sa akin ni Aling Carmen ay binigyan niya pa ako ng dagdag na singkwenta peso na tip dahil nagustuhan niya ang bagong cutex na inilapat ko sa mga kuku niya.
Pagkagaling ko sa bahay ni Aling Carmen at dumiretso na ako Quaipo church. Dahil sa araw ng linggo ngayon ay isa ito sa mga bagay na palagi kung ginagawa. Ang magsimba at magpasalamat sa poong may kapal sa lahat ng biyaya na natatanggap ko. Pagkadating ko sa simbahan ay naghanap ako ng puwesto pagkatapos ay saka ako lumuhod ako upang magdasal.
" Lord marami pong salamat sa lahat ng blessing na ibinigay niyo sa amin ni Tita Bethany, huwag po sana kayong mag sawa tumulong sa amin, at lord ano na po ba ang status ng palagi kong ipinagdadasal sa inyo, yung palagi ko pong nere-request, hindi naman po ako desperada, gusto ko lang po sana sabihin sa inyo na willing pa din ako mag hintay sa tamang lalaki na ibibigay niyo sa akin, kahit hindi kagawapuahn, okay na po sa akin, basta hindi babaero at hindi tumitingin sa physical appearance, alam niyo naman na tagilid ako pagdating do"n, di ba? Sana po ang makita niya sa akin ay ang inner beauty at hindi ang pang labas na anyo, Lord sana po paglabas ko ng simbahan na ito ay may kasagutan na sa hiling ko," usal ko habang diretso ang mga mata ko na nakatitig sa poong Nazzareno.
Pagkatapos ko mag sign of the cross ay malumanay akong tumayo at saka ako humakbang palabas ng simbahan.
Kailangan kung pumunta sa Hortaleza para bumili ng mga supply ko sa pag-pe pedicure gaya ng Nail polish remover, Nail polish, cotton ball at cutix. Hindi kalayuan sa simbahan tindahan kaya naglakad na lang ako papunta doon.
Habang binabaybay ko ang daan patungo sa aking dapat puntahan ay panay din ang window shopping ng mata ko. Patingin tingin ako sa mga vendor ng pagkain at mga damit na naka-displayed sa isang boutique na may transparent glass. Relaxed at libang na libang ako sa aking paglalakad ng sa hindi kalayuan ay may natanaw akong na isang batang lalaki ang humahangos sa pagtakabo. Naalarma ako ng makita ko na deri deritso lang ito sa pagtakbo na ang tinutumbok ay ang kinatatayuan ko.
Mabilis akong tumabi sa gilid ng kalye upang maiwasam ko ang batang tumatakbo at ang ilang mga taong bayan na humahabol dito. Natulala ako at halos hindi makapagsalita. Hinabol ko ng tanaw ang batang lalaki. Dahil sa pagkatulala ko ay hindi ko namalayan ang isa pang lalaking na matuling tumatakbo.
"Magnanakaw! Tulungan niyo ko!...miss tumabi ka diyan" malakas na sabi ng isang lalaki ang bigla kung narinig.
Dahil sa bilis ng mga pangyayari ay huli na para maiwasan ko ang lalaking tumatakbo dahil ng lingunin ko ito ay isang dipa na lang ang pagitan nito sa akin kaya sa hindi inaasahan ay biglang bumunggo sa akin ang lalaki na naging dahilan ng sabay naming pagkatumba sa kalsada.
Agaran akong na out balance at hindi ko napigilan ang sarili kung mapahiga sa katawan ng lalaki. At ng dahil doon ay aksedente kung na amoy ang pabango nito. Medyo matapang ang amoy ng pabango na nanunuot sa ilong ko na dahil sa sobrang bango ay tila nabato balani ako at ayoko na munang tumayo. Hindi ko alintana ang taong kanina pa nakamasid sa amin.
Namilog ang dalawang mata ko ng I-angat ko ang mukha ko at masilayan ang mukha ng estrangherong lalaki. Para akong na istatwa sa itsura nito. Biglang kumabog ang puso ko sa kilig. Para bang biglang gumapang sa himaymay ng laman at ugat ko ang malakas na boltahe ng kuryente.
At dahil na din sa mahigpit na pagkakayapos ng lalaki sa matabang katawan ko ay agarang tumulo ang malapot na pawis sa aking mukha kasabay nito ay ang pamumula ng pisngi ko. Dahil sa diretsong nakatitig sa mata ko ang mapupungay at singkit na mata ng lalaki.
Mabilis at parang sunod sunod na tinatambol ang puso ko sa kaba. Ilang segundo ko pa lang na pinagmamasdan ang mukha ng lalaki pero tila nawiwili ang mata ko at ayaw ko ng i-alis ang paningin ko sa kanya.
Grabee...ang guwapo ng lalaking ito, Ang kinis ng mukha nito at may makapal pa na kilay, Matangos din ang ilong nito na bumagay sa singkit nitong na mga mata at damang dama ko ang kakisigan ng lalaking ito habang nakakulong ako sa mga yakap at malapader nitong dib dib dahil sa sobrang tigas na halatang batak sa paggi-gym. Tila ito isang artista sa asian country na naligaw lang dito sa Quaipo.
"Oh my god! Ano itong nraramadman ko sa lalaking ito, Lord ito na ba ang kasagutan sa matagal ko ng hiniling sa inyo? Sana nga po ay ito na yon Lord! Please po sana ay siya na." Pilyang sigaw ng isip.
Awtomatikong gumuhit ang matamis na ngiti sa aking mukha....
Itutuloy......