ATARAH
DUMAGUNDONG sa kaba ang dibdib ko habang nakatitig sa lalaking daig pa ang dragon na bumubuga ng apoy kung makatingin sa akin. Kung makatitig siya sa akin ay para bang gusto niya akong isawsaw sa toyo at kainin ng hilaw. Para naman akong may buto ng santol sa lalamunan dahil nahihirapan akong lunukin ang sarili kong laway. Pero hindi ako p’wedeng magmukhang ligaw na pusa sa harapan ng lalaking ‘to kaya sa halip na mahiya ay tumayo ako nang tuwid at huminga nang malalim saka tumikhim.
“Ikaw pala! Naku, false door yung pinasukan ko, apologizing ha,” pa-english-english kong sabi at ngumiwi dahil mukhang hindi siya kumbinsido sa sinabi ko.
Tangina! Mukha siya pa ata ang bossing dito!
“What the hell are you doing here?” mariin niyang tanong sa akin at tinitigan ako mula ulo hanggang paa.
“Ano, kasi, hinahanap ko yung admin kasi mag-a-apply sana ako,” sagot ko at tumawa nang pagak. “Mauna na ako, ha! Sige, bye!”
Nang akmang hahakbang ako palayo sa kaniyang lamesa ay natabig ko ang maliit na lamp dahilan para mahulog iyon at mabasag. Nanlalaki naman ang mata ko habang nakatitig doon at para akong hinabol ng isang daang kabayo dahil sa sobrang lakas ng t***k ng aking puso. Mukhang hindi pa nga ‘ko tanggap ay matatanggal na agad dahil sa kapalpakan ko. Paniguradong mamahalin pa naman ang lamp na ‘yon.
Tangina talaga!
“H-Hala! Pasensya na,” nangangatog ang labi kong sabi dahil nakaigting na ang kaniyang panga at naglalabasan ang mga ugat sa leeg na para bang natatae.
“That lamp is worth more than five months’ salary of a minimum wage earner,” aniya na ikinalaki ng mata ko.
“Tangina, seryoso—“
“Watch your words, Miss,” mariing sabi niya kaya agad kong natikom ang aking bibig at nagtaas ng kilay.
Napangiwi na lamang ako at napabuntong-hininga na ibinaling ang atensyon sa bagay na nasira ko. Mukhang kailangan ko talaga mag-doble kayod para mabayaran ko ang nabasag ko. Akmang yuyuko ako para pulutin iyon nang hawakan niya ang braso ko at hilahin palayo sa mga basag na piraso ng ilaw. Napatingin tuloy ako sa kaniya at napatayo nang tuwid. Hindi ko maiwasan ang titigan ang mga mata niyang kulay 3 in1 na kape dahil nakatitig din siya sa akin. Pakiramdam ko ay tumigil ang ikot ng mundo ko.
“What do you think you’re doing?” singhal niya sa mukha ko. Hindi ko naman sinasadyang maamoy ang hininga niya na amoy kending sinusukli sa akin minsan sa tindahan.
“L-Liligpitin ang—“
“You don’t have to do it, you’re not my employee…” Nagtaas siya ng kilay. “Yet.”
Ngumuso ako at tumango na lamang. Nang akmang magsasalita ako ay bigla na lang niyang hinigpitan ang pagkakahawak sa aking braso at kinaladkad ako papunta sa pinto ng kaniyang opisina saka itinulak palabas. Muntik ko pa tuloy maka-face to face ang lapag mabuti na lang at dancer ako kaya mabilis ang kilos ko. Tumayo ako nang tuwid at huminga nang malalim saka nilingon ang lalaking pinaglihi sa yelo. Matalim ang tinging pinupukol ko sa kaniya at nagtaas ng kilay.
“P’wede mo naman akong palayasin nang maayos, ‘di ba? Wala ka bang respectness?!” sigaw ko sa kaniya pero napailing lang siya sa sinabi ko.
“There’s no such thing as a VIP pass here, Miss whatever the f**k your name is,” aniya at humalukipkip. “If you want the job, work hard for it. You can’t seduce me,” aniya at nang akmang isasara ang pinto nang muli siyang nagsalita. “And its respect not respectness. Nag-aral ka ba?”
Napaawang ang labi ko sa sinabi niya at nang akma akong sasagot ay bigla na lang niyang sinara ang pinto kaya naman ay napaatras ako. Pinagkiskis ko ang bagang ko dahil sa sobrang galit dahil sa pang-iinsulto niya.
“Bwisit ka! Oo nag-aral ako!” sigaw ko at inambahan ang pinto ng suntok at sipa.
Kung alam niya lang ang ginawa kong sakripisyo para sa pamilya ko na pati ang pag-aaral ko ay naapektuhan, panigurado akong hindi niya sasabihin iyon. Huminga ako nang malalim at umirap saka naglakad papunta sa elevator. Nang makababa ako sa third floor na mukhang ang palapag kung saan ay naroon ang admin ay agad akong lumabas. Mali ata ako ng dinig na palapag na dapat puntahan.
Naglakad ako sa hallway at nang makita ko ang admin ay halos mapatalon ako sa tuwa. Huminga muna ako nang malalim at dahan-dahan na ibinuga iyon. Akmang kakatok ako nang bumukas ang pinto at iniluwa ang isang babaeng nakataas ang kilay sa akin. Umirap lang siya at tuluyang lumabas samantalang ako ay pumasok naman sa loob.
“Applicant?” tanong ng isang babae na may hawak na mga papel.
“Visitor po, char! Applicant po,” sagot ko na ikinailing ng babae pero nakangiti.
“Maupo ka—“
“Hello! Are you Atarah Montecalvo?” tanong ng isang babae na sumingit. “I’m Lola, secretary ako ni Sir De Mevius.”
Napatingin ako sa babaeng may magandang hubog ng katawan na may pulang damit at mala-dyosang mukha. Dahil sa sobrang ganda niya ay napaawang ang labi ko at napangiwi dahil panigurado akong jowa din siya ng Damonyo na ‘yon. Tumango ako at ngumiti para ipakita rin ang ganda ko. Aba! Hindi ako papakabog ‘no!
“Ako nga po—“
“You’re hired.”
Nanlaki ang mga mata ko at napaawang ang aking labi nang marinig ang sinabi ng babaeng nagpakilalang Lola kahit mukhaq lang siyang mas matanda sa akin ng ilang taon. Ngumiti siya sa akin at tumango saka hinawakan ako sa braso at hinila sa isang lamesa sa bandnag dulo. Doon ay naroon ang isa pang babae na medyo malaman at may kagat-kagat pang donut. Sa laptop lang ito nakatingin na para bang abalang-abala.
“Mari, she’s hired. Maintenance siya sa fifth floor—“
“Sa floor ni Sir De Mevius?” saad ng sa tingin ko ay ang HR
“Yup,” sagot ng babae at hinila ako para mas makita ako nang maayos ng babae at nang dumako nga sa akin ang tingin niya ay nanlaki ang kaniyang mga mata at napaaawang ang kaniyang labi dahilan para mahulog ang donut.
“Holy molly, Lola!” bulalas nito at napatayo habang nanlalaki ang mata na nakatitig sa akin. “Ma’am Merideth?!”
Kumunot ang noo ko sa pangalan tinawag niya sa akin. Iyon ang pangalawang beses na narinig ko ang pangalang iyon. Una ay kay mister Ice man at ngayon ay sa babaeng HR. Tumikhim ako at ngumiti sa kanilang dalawa na ngayon ay parehong nakatingin sa akin.
“Atarah po ang pangalan ko, hindi Merideth,” saad ko na ikinatango ng babae. Tumango lang ang babaeng nagpakilalang Lola.
“I know, Miss Montecalvo,” saad ng babae. “Mari will explain everything to you.”
Matapos nito sabihin iyon ay umalis na rin siya at ako naman ay naupo sa upuan na nasa harapan ng babaeng namumutla na parang nakakita ng multo. Tinaas muna nito ang kaniyang kamay at dinutdot ang aking pisngi.
“Totoo ka ba? Hindi ka ba multo?” anito na salubong ang kilay.
“May multo bang nag-a-apply dito?” pilosopo kong tanong dahilan para mapangiwi siya.
“Hindi ka nga si Ma’am Merideth, pilosopo ka e,” pagkumpirma niya at binigyan ako ng mga papel na agad kong pinirmahan.
“Pa’no po pala yung mga requirements ko?” tanong ko sa kaniya at ngumiti.
“To follow mo na lang kasi kailangan na kailangan na namin ng maintenance sa fifth floor,” sagot niya. Matapos kong ibalik sa kaniya ang papel ay binigyan naman niya ako ng damit na naka-plastic at panigurado akong uniporme iyon.
“Salamat—“
“You’ll start tomorrow, from eight to five,” anito at ngumiti. “You may leave.”
“Yon na ‘yon?” nakangiwi kong tanong sa HR.
“Bakit? Ayaw mo? Tanggap ka na nga ‘di ba?” masungit nitong sabi at nagtaas ng kilay.
Tinitigan ko naman siya nang mataman kaya agad siyang nag-iwas ng tingin. Tumango ako at tumayo na saka naglakad papunta sa pinto. Lumabas na rin ako ng admin office at habang papunta sa elevator ay hindi ko maiwasan ang magtaka. Paniguradong ang nabasag kong lamp ang dahilan kaya ang bilis ng application ko. Pero hindi lang iyon ang pinagtataka ko.
“Sino kaya yung Merideth?”
MALALIM ANG bawat paghinga ko habang nakatitig sa harap ng malaking gusali ng DM Construction Company Building. Ngayon ang unang araw ko sa trabaho at pakiramdam ko ay isa akong alien na napunta sa mundo ng mga totoong tao. Kinagat ko ang aking ibabang labi at hinawakan ang pendant ng kwintas ko kung saan ay naroon ang litrato ni Alora at ng mga magulang kong deads na.
“Keriboom-boom ko ‘to!” pagpapalakas ko sa aking sarili at naglakad papasok sa gusali.
Pero hindi pa man ako nakakapasok nang tuluyan ay hinarang na naman ako ng malaki at maitim na batuta ni manong guard. Napangiwi tuloy ako at huminto.
“ID?” anito.
“Wala pa po akong ID, mga requirements ko nga to following pa daw e,” saad ko.
Pinanlitan lang ako ng mata ng guard at akmang sasagot nang tumaas ang tingin ng mga mata niya. Lagpas pa sa ulo ko at ang reaksyon ng mukha niya ay unti-unting namutla.
“S-Sir—“
“She can work without the ID for now,” saad ng baritonong boses sa likuran ko. Napalunok ako ng laway at dahan-dahan na lumingon.
“D-Damon De Mevius—“
“It’s Sir De Mevius for you, woman,” aniya at nagtaas ng kilay. “Now, move out of my way.”
Napakurap ako at tumango saka pumasok na sa loob para makadaan siya. Nang dumaan siya sa harapan ko ay para bang hindi niya man lang ako nakita ko o napansin man lang. Pinanood ko lang siyang maglakad papunta sa isang particular na elevator. Napabahing naman ako dahil sa tapang ng pabango ni Damonyo na ‘yon.
Amoy mayaman!
Naglakad na ako papunta sa locker area ng mga tulad kong empleyado pero lahat sila ay biglang natahimik nang dumating ako. Bawat mata nila ay nakatingin sa akin at ni isa ay walang may gustong magsalita. Nagkibit-balikat na lamang ako at nagpatong ng uniporme saka kumuha ng mga gamit ko pang-linis. Agad akong lumabas ng locker at tumungo sa elevator pero agad kong napansin si Damon na nakatayo sa isang elevator na mas mukhang yayamanin kumpara sa iba. Kumunot ang noo ko dahil nang pagdating ko ay napatingin siya sa akin at nakapamulsa na nagtaas ng kilay.
“Teka? Hinihintay mo ba ako?” tanong ko sa kaniya.
“Yeah,” sagot niya at pinindot ang kaniyang elevator.
“Bakit? Crush mo ba ako?”
“Dream on, woman,” aniya at tinuro ang loob ng elevator. “Get in, I will show you what place you’re going to clean.”
Nakanguso akong pumasok sa loob ng elevator at agad naman na sumunod sa akin si Damon na blanko ang ekspresyon ng mukha. Bago tuluyang magsara ang pinto ay nakita ko pa ang ibang mga empleyado na nanlalaki ang mga mata nang makita ako sa loob ng elevator din, kasama si Damon De Mevius. Isinawalang bahala ko na lamang iyon at nang marating namin ang ika-limang palapag ay naunang lumabas si Damon. Nakasunod lang ako sa kaniya hanggang sa marating namin ang isang kwarto.
“Ano ‘to? Bodega?” salubong ang kilay kong sabi nang buksan niya ang isang pinto.
“No.”
Pinaypayan ko ang sarili ko nang salubungin ako ng mga alikabok at pasukin ko ng tuluyan ang kwarto o opisina ay sunod-sunod akong naubo. Napaawang ang labi ko dahil puno ng lumang gamit ang loob, lumang lamesa, upuan, mga dekorasyon at puro box na puno ng mga papel. Nilingon ko si Damon na seryosong nakatitig sa mukha ko kaya naman ay hindi ko maiwasan ang mailang.
“Kaninong kwarto ‘to?” tanong ko at napaatras nang pumasok rin siya sa loob saka humakbang palapit sa akin.
Kumakabog nang malakas ang dibdib ko dahil sa sobrang kaba at nang tuluyan siyang tumayo sa aking harapan. Hindi ko maiwasan ang magtaka dahil bakas sa kaniyang mukha na para bang gusto niya akong yakapin pero para rin siyang galit. Ilang segundo pa ang lumipas hanggang sa sagutin niya ang tanong.
“It’s my fiancée’s office and her name is Merideth Tuazon.”