Chapter Nineteen

2049 Words

ATARAH PABASGSAK AKONG NAHIGA SA KAMA at matamang tumitig sa kisame ng kwarto. Napahawak pa ako sa aking dibdib dahil pakiramdam ko sumisikip iyon kahit hindi naman masikip ang sout kong bra. Imposible namang nasaktan ako sa sinabi ni Greg kanina kay Sir Damon na ginagamit niya ako para maibsan yung pangungulila niya kay Merideth. Wala rin naman akong magagawa dahil bukod sa siya ang amo ko ay Malaki ang utang na loob ko sa kaniya. “Atarah?” Napabangon ako nang marinig ko ang katok sa pinto at pagtawag sa aking pangalan. “Bukas ‘yan.” Nang bumukas ang pinto ay iniluwa niyon si Sir Damon na blanko ang ekspresyon ng mukha. Nakagat ko naman ang aking ibabang labi nang biglang bumilis ang t***k ng puso ko at dahil lang iyon sa presesnya niya. Nakapamulsang humakbang naman palapit sa akin

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD