ATARAH “YES! NANALO DIN AKO SA SCARBBLE!” tuwang-tuwa na wika ni Lillian habang malapad ang ngiting nakatingin sa akin. “C-Congrats,” nakangiwi ko na lang na sabi dahil ni isa ata wala akong tinama sa larong iyon. Napatingin naman ako kay Sir Damon na nakangisi habang nakatitig sa akin na para bang tuwang-tuwa na nakikita ang kapalpakan ko. Inirapan ko na lamang siya at nang mapabaling naman ang tingin ko kay Greg ay natigilan ako. Mataman siyang nakatitig sa akin na para bang hinahalukay niya ang kaloob-looban ng kaluluwa ko. Hindi naman siya galit pero hindi rin naman siya mukhang natutuwa. Napabuntong-hininga na lamang ako at nag-iwas ng tingin. “Mukhang kinakalawang ka na sa scrabble ah! Oh baka naman pinagbigyan mo lang akong manalo?” nakanguso wika ni Lillian. “H-Ha? Naku, hin

