ATARAH NANG MEDYO MAGANDA NA ang pakiramdam ko ay nagpasya na akong bumangon sa higaan dahil baka hindi na bayaran ni Sir Damon ang araw ko ngayon. Hindi ko naman maiwasan ang mapangiti nang mapatingin ako sa aking palad na puno ng benda. Hindi ko alam kung anong klaseng espirito ang sumapi sa boss ko para gamutin ang mga sugat ko. Nagkibit-balikat na lamang ako at dumiretso sa banyo para maglinis dahil may bakas pa rin ako ng mga nangyari kagabi. Nang mahubad ko na ang lahat ng saplot ko at mapatingin sa salamin na kasing laki ko ay halos lumuwa ang aking mga mata sa aking nakita. May mga mapupulang marka sa aking leeg, sa balikat, gilid ng aking dibdib at kahit sa bandang tiyan ko. “A-Ano ‘to? Chikinini?” nakangiwi kong tanong sa aking sarili habang kinakapa-kapa ang mapupulang mar

