ATARAH “MARAMING SALAMAT, LOLA AT WINNY!” wika ko habang nakatingin sa kanilang dalawa na abala sa pag-aayos ng mga gamit ko. Kinagabihan ay nagpasya akong lumipat agad sa apartment na ito dahil bukod sa wala akong ibang tutuluyan ay ayoko ng matulog sa condo unit ni Sir Damon. Baka kasi hindi ako tigilan ng Mirabella na iyon at baka mismo sa building ipa-ban na niya ako. “I'm so inggit! Bago mga gamit mo, at mukhang pina-renovate pa ni Sir Damon bago niya pinakita sa ‘yo ang unit,” nakangusong wika ni Lola kaya hindi ko mapigilan ang mapakunot ang noo. “Bakit naman niya gagawin iyon?” natatawa at napapailing kong sabi. “Pero salamat sa inyong dalawa, napabilis ang pag-aayos ko.” Si Lola ang nagtanggal ng mga plastic sa sofa, mga upuan at lamesa ko habang si Winny naman ang nagdala ng

