Chapter Thirty One

2013 Words

ATARAH NAKATINGIN LAMANG AKO SA PAPAALIS NA AMBULANSYA kung saan ay naroon si Mister Uy. Mabuti na lamang at agad na dumating ang tulong dahil kung hindi ay baka naubusan na siya ng dugo at namatay. Napabaling naman ang tingin ko kay Sir Damon na kausap ang isa sa mga pulis na dumating para imbestigahan ang nangyari. Napabuntong-hininga na lamang ako at akmang babalik sa loob ng DMC building para makapaglinis at ituloy ang aking trabaho nang biglang may pumigil sa akin. “Miss, excuse me?” Napakunot ang noo ko dahil base sa damit nito ay pulis siya. “Bakit po?” “P’wede ka ba naming maimbitahan sa presinto? May mga kailangan lang kaming itanong sa ‘yo tungkol sa nangyari,” aniya na seryoso ang reaksyon ng mukha. Napalunok naman ako ng laway at bigla na lang kumabog nang malakas ang ak

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD