ATARAH
“CLEAN ALL the restrooms and I want it to be done today. You can start with my restroom.”
Napaawang ang labi ko nang marinig ko ang utos sa akin ni Sir Damon na hindi man lang ako tinapunan ng tingin at nanatiling nakatingin sa kaniyang laptop. Matapos ang libreng tanghalian niya sa akin nang nakaraang linggo ay hindi na niya ako pinapansin o tingnan man lang, at para bang naging allergic na rin siya sa akin.
Napasimangot ako dahil parang naging masungit na rin siya lalo dahil nang nakaraang araw ay pinalinis niya sa akin ang mga bintana ng boung floor, kahapon ay ang mga pinto. Pati ang hagdan ng emergency exit, pina-mop niya rin sa akin. At kapag may nakita siyang kaunting dumi o mali ay nagagalit siya at pinapaulit sa akin ang paglilinis.
“Sir, imposible ko pong matapos ng isang araw ang inuutos ninyo—“
“I want it done today. If you need to work overtime, then do it,” pagdidiin niya sa utos niya at tinitigan ako nang matalim. “Kung hindi mo kaya, then quit and leave.”
“Kaya ko po,” nakakuyom ang kamao na sagot ko. “Lilinis ko lahat ng banyo dito, na sa sobrang linis ay p’wede ka ng manalamin.”
Nagtaas siya ng kilay at mabilis na nag-iwas ng tingin. “Then, work.”
Matapos niya sabihin iyon ay agad akong tumalikod at nag-martsa papasok sa banyo niya bitbit ang mga panlinis ko. Hindi na ako nag-abala na lumingon dahil baka mainis lang ako na makita ang salubong niyang kilay. Nang makapasok ako sa banyo niya ay hindi ko maiwasan ang mamangha dahil bukod sa sobrang laki niyon na may bathtub pa ay malinis din.
“Anong gagawin ko dito, e ang linis naman?” nakasimangot kong tanong sa sarili ko at inilapag ang mga bitbit.
Nagsimula akong ayusin ang mga gamit niya tulad ng sabon, shampoo at kung ano pa na nasa loob ng malaking cabinet. Kumunot naman ang noo ko nang makita ko ang pamilyar na paketa na madalas kong makita sa mga katrabaho ko sa club noon. Hindi ko mapigilan ang mapangisi dahil kahit mukhang perpekto siya ay may kalokohan din pala siyang taglay.
“Malibog ka din pala ah—“ natigilan ako sa pagsasalita nang mabasa ko ang expiration date nito. “Expire na?”
Halos nasa limang condoms din ang nakita ko at lahat ay expired na. Ang ibig ba sabihin ito ay matagal na siyang walang chukchak? Napangisi ako at lumabas ng banyo para ipakita sa kaniya ang mga nakita ko.
“Sir Damon bakit ka may mga expire na condom sa banyo mo—“
Natigilan ako sa pagsasalita nang maabutan ko siyang may kausap na isa pang lalaki na halos kaedad niya lang ata. Sabay silang napatingin sa akin at ang mga mata ni Sir Damon ay bumaling sa hawak ko. Unti-unting nagsalubong ang kilay niya hanggang sa tuluyang tumalim ang tingin niya at pati ang panga niya ay umiigting na rin. Ang kasama naman nito ay nanlalaki ang mata at nakaawang ang labi habang nakatitig sa akin.
“Holy guacamole! Merideth?!” bulalas ng isang lalaki at pabalik-balik ang tingin sa akin at kay Sir Damon na halos umaapoy na ang mga mata sa galit.
Hindi ko naman maiwasan ang magtaka na naman nang tawagin akong Merideth ng lalaking mukhang kaibigan ni Sir. Nang akmang sasagot ako ay bigla namang tumikhim si Sir Damon nang malakas dahilan para mapabaling ang tingin ko sa kaniya.
“What the f**k do you think you’re doing Miss Montecalvo?” mariing tanong ni Sir Damon na namumula pa ang leeg.
Napalunok naman ako ng laway at napayuko na lamang dahil sa sobrang hiya. “P-Pasensya na po, Sir!”
“Did I tell you to touch my stuff?”
“Sabi niyo po kasi, linisin ko. Syempre po kasama na doon ang pagtanggal ng mga expire na condoms—“
“Shut up and go back to your f*****g job—“
“Wait,” pigil ng lalaki kay Sir at humakbang palapit sa akin.
“Mister Emiliano Callejas,” tawag ni Sir Damon sa lalaking palapit sa akin na agad naman huminto.
“Damn you, Damon, stop calling me that,” nagmamaktol na sagot nito at bumalik palapit kay Sir. “Gusto ko lang naman itanong kung sino siya—“
“She’s Atarah Montecalvo, this floor’s maintenance,” mabilis na sagot ni Sir Damon at ibinaling ang matalim na tingin sa akin.
“H-Hello po—“
“Holy f**k!” muling bulalas ng lalaking nagngangalang Emiliano at napapakurap pa. “Is she… is she somehow connected to Merideth?”
“No,” mabilis na sagot ni Sir. “She’s just a doppelganger, Emil. Now, don’t look at her and tell me what the f**k are you doing here?”
Sunod-sunod lamang na tumango ang lalaki na para bang hindi pa rin makapaniwala. Nang tumalikod na ito sa akin ay hindi ko naman sinasadya na mapatingin kay Sir Damon na tila ba may laser ang mga tingin na nakatitig sa akin. Nanliliit pa ang mga mata niya na kung nakakamatay ay baka kanina pa ako duguang bumulagta.
Tumango naman ako at tumalikod na saka nakasimangot na naglakad pabalik sa banyo para ituloy ang aking trabaho. Napabuntong-hininga ako dahil muli ko na namang narinig ang pangalang Merideth.
Hindi kaya? May kambal talaga ako? Pero imposible talaga.
ALAS-ONSE na ng gabi at hindi pa ako tapos sa paglilinis ng banyo dahil sa t’wing may kaunting dumi na nakikita si Sir Damon ay pinapalinis niya ulit. Huminga ako nang malalalim at akmang uupo nang biglang bumukas ang banyo ng Ground floor. Dahil sa gulat ay nadulas ang aking paa at pabagsak na nahiga sa malamig na tiles. Natapon din ang balde na may lamang tubig kaya basang-basa na rin ako.
“What are you doing, Miss Montecalvo?”
Napaigtad ako at akmang tatayo nang maramdaman ko ang sakit sa aking paa kaya muli akong napaupo. Nakangiwi akong tiningala si Sir Damon na blanko parin ang ekspresyon ng mukha. Napayuko naman ako at nang akmang pipilitin kong tumayo ay bigla na lang akong umangat dahilan para mabilis akong mapakapit sa leeg ni Sir Damon na siyang bumuhat sa akin.
“S-Sir…”
“Why can’t you just do your job properly,” nakataas ang kilay na sabi nito habang naglalakad palabas ng banyo at buhat ako.
“S-Sorry po,” sagot ko at napakunot noo. “Bakit pala nandito ka pa, Sir?”
Inilapag niya ako sa waiting area ng kumpanya at tumayo saka naglakad papunta sa reception area na wala ng tao. May kinuha lang siya doon at nang makabalik ay may dala na siyang tuwalya na agad niyang ibinalot sa aking boung katawan. Nang akmang muli niya akong bubuhati ay agad ko siyang pinigilan dahilan para magsalubong ang kaniyang kilay.
“I need to bring you to the hospital, Miss Montecalvo,” anito dahilan para matawa ako.
“Hospital? Ang OA naman, Sir. Huwag na po, perahin ko na lang kasi kailangan ng kapatid ko sa tuition niya, at saka ipapahilot ko na lang ‘to,” saad ko na napapailing pa.
Nakatitig lang sa akin si Sir Damon dahilan para kapain ko ang mukha ko kasi baka may nakita siyang dumi. Ginamit ko rin ang dila ko para i-check ang aking ngipin kasi baka makakita siya ng malunggay dahil iyon ang ulam ko kanina. Nang hindi pa rin inaalis ni Sir Damon ang tingin niya sa akin ay hinawakan ko siya sa braso dahilan para mapaigtad siya.
“A-Are you sure, you’re okay?” tanong niya ulit.
“Oo, Sir—“
“Then go back to your job,” anito dahilan para manlaki ang mga mata ko.
Ang sama naman ng ugali ng boss kong ‘to!
Nang akmang tatayo ay mabilis ko siyang pinigilan sa kamay dahilan para matigilan siya. Dahan-dahan naman niya akong nilingon at bumaba ang tingin sa magkahugpong naming palad. Nanlaki naman ang mata ko at nang subukan kong bumitaw ay hindi ko magawa dahil mahigpit na ang pagkakahawak niya. Kumunot ang noo ko at napalunok ng laway saka tiningala siya.
“S-Sir—“
“Where do you live?”
“H-Ha?”
“Bingi ka ba o tanga?” masungit niyang tanong habang hawak pa rin ang kamay ko.
“Both,” pabiro kong sabi pero tumalim lamang ang tingin niya sa akin. “Charot! Diyan lang ako sa may malapit na… na ano.”
“Na ano?”
“Sa may eskwater,” nahihiya kong sabi at napayuko. Hindi ko alam kung bakit bigla akong nakaramdam ng hiya, e dati nga wala akong pakialam kahit isipin pa ng iba na hostess ako basta nakapagpapadala ako ng pera sa kapatid ko.
“Ihahatid na kita,” aniya at binitawan ang aking kamay saka walang sabi-sabing binuhat ako.
Gulat na gulat man ay wala na akong nagawa kundi ang kumapit kay Sir Damon. Naglakad na siya palabas at nang makita kami ng guard ay nanlalaki ang mga mata nito. Pagkalabas namin ng building ay may nakita naman akong pamilyar na bulto na naglalakad palapit sa amin.
“Ay, pucha? Paeng?” saad ko nang makilala ang lalaki na ngayon ay huminto sa harapan namin at pabalik-balik ang tingin kay Sir Damon at sa akin.
“Atarah, my loves?! Anong nangyari?!” bulalas nito na para bang hindi makapaniwala.
Napangiwi naman ako sa tawag sa akin ni Paeng at nang ibaling ko ang tingin ko kay Sir Damon ay seryoso ang reaksyon ng kaniyang mukha at nakaigting pa ang panga. Nang akmang lalapit si Paeng ay humigpit naman ang hawak ko sa leeg ng boss ko.
“Anong ginagawa mo dito, Paeng?” tanong ko sa kaniya.
“Nag-aalala ako sa ‘yo, Atarah. Kanina pa kaya akong alas singko naghihintay sa ‘yo! Alam mo bang malamig na ang mga niluto ko para sa ‘yo!” sigaw niya.
“Eh, bakit mo ako hinihintay? At saka bakit ka magluluto para sa akin, e hindi ko nga alam kung saan ka nakatira? At saka ayoko nga sa ‘yo ‘di ba—“
“Akala mo lang na ayaw mo sa akin pero mamahalin mo rin ako, kaya bumaba ka na diyan at ihahatid kita,” pagpupumilit ni Paeng na namumula pa ang leeg.
Nababaliw na ba siya?!
“Is he your boyfriend—“
“Hindi ah,” mabilis kong sagot at tiningnan muli si Paeng. “Umuwi ka na, na-tapilok ako kaya ihahatid ako ni Sir—“
“Ako na maghahatid sa ‘yo, Atarah,” sagot naman ni Paeng at nakipagtitigan pa kay Sir Damon.
“That’s not happening,” saad ni Sir Damon. “You’re not the boyfriend nor a good friend, so just back off and go home.”
Matapos iyon sabihin ni Sir ay nilagpasan na niya si Paeng at naglakad palapit sa kotse. Nakita ko pa ang matalim na tingin ng lalaki sa amin kaya agad akong nag-iwas ng tingin. Nang buksan ni Sir ang pinto ng sasakyan ay agad niya akong pinapasok at siya naman ay umikot para umupo sa driver’s seat.
“Just tell me where to go,” aniya at nagsout ng seatbelt.
“Where to go,” saad ko dahilan para matigilan siya sa pagsout ng seatbelt at dahan-dahan akong nilingon. Unti-unti ring nagsalubong ang kaniyang kilay.
“What?”
Ngumiwi naman ako. “Sabi mo kasi sabihin ko sa’yo yung where to go, kaya—“
“Direction, Miss Montecalvo. Sabihin mo sa akin kung paano pumunta sa bahay mo,” nakaigting ang panga na sabi niya.
“Ah!” natatawa kong sabi at sunod-sunod na tumango. “Hindi mo naman sinabi agad. Oh siya, diretso lang tayo.”
Napabuntong-hininga naman si Sir Damon at napapailing na napalingon sa akin. Nang bigla naman siyang lumapit sa akin ay nahigit ko ang hininga ko. Sobrang lapit ng mukha niya na halos kaunti na lang malalaplap ko na siya. Kinagat ko ang aking ibabang labi dahil bigla na lamang lumakas ang t***k ng puso ko.
“Breath, Atarah, you’re turning blue,” saad niya at ikinabit ang seatbelt ko.
Dahan-dahan ko namang ibinuga ang aking hininga at ngumiti saka niyakap ang aking sarili dahil sobrang lamig. Napansin naman iyon ni Sir dahil binawasan niya ang lamig ng aircon.
“Feel better?”
“So feel, so good,” sagot ko at tumawa.
Napapailing naman si Sir Damon na sinimulang magmaneho. Nakangiti akong tumingin sa kaniya at napaawang ang labi nang makita ko siyang ngumiti na agad ding nawala. Nang akmang titingin siya sa akin ay mabilis akong nag-iwas ng tingin. Ilang minuto nang marating namin ang eskwater area kung saan ako nakatira ay agad na huminto ang kotse. Unang lumabas si Sir Damon at tinulungan akong lumabas.
“S-Salamat, Sir,” saad ko at paika-ika na naglakad habang nakakapit sa kaniyang braso.
“Ate Atarah!”
Napaigtad ako at napatingin sa babaeng tumawag sa aking pangalan. Nanlaki naman ang mga mata ko nang makita si Alora na nakatayo ilang dipa ang layo sa akin. Matalim ang tinging pinupukol niya sa akin at kay Sir Damon. Kuyom na kuyom ang kaniyang kamao at malalaki ang hakbang na lumapit. Napatayo ako nang tuwid at bumitaw kay Sir Damon saka ngumiti nang malapad.
“Alora—“
Hindi ko natuloy ang aking sinasabi nang bigla na lang niya akong salubungin ng sampal at malakas na tinulak dahilan para mapaupo ako. Napaigik ako dahil sa pagsakit ng aking paa. Agad naman akong dinaluhan ni Sir Damon pero hindi ko siya pinansin at tiningala si Alora.
“Nakaka-disappoint ka! Hindi ka ba titigil sa pagpo-pokpok ha! Ni hindi ka na makalakad at dinala mo pa dito ang customer mo? Kadiri ka!”