Chapter Seven

1609 Words
ATARAH PAIKA-IKA AKONG pumasok sa gusali ng DM Company dahil kahit hindi maganda ang nangyari kagabi sa akin ay kailangan ko pa ring pumasok at magtrabaho dahil wala akong ibang pagkukunan ng pera maliban sa trabahong mayroon ako ngayon. Bukas ko na lang kakausapin si Alora nang maayos dahil day-off ko naman iyon at wala akong ibang gagawin. Dumiretso ako sa locker area para magpalit ng uniform at kumuha ng mga gamit ko pang linis. “Atarah, okay ka lang?” tanong ng katrabaho ko na si Celeste dahil mukhang napansin niya akong paika-ika. “Oo, natapilok lang ako kagabi,” sagot ko at pinakita ang aking paa na namamaga. “Naku, akin na, lagyan natin ng tela,” saad ni Celeste at pinaupo ako. “Sabi ng kapatid kong nurse, kapag may ganito dapat daw, balutin ng tela.” Napangiwi naman ako sa sakit nang balutin ni Celeste ang paa ko ng telang pinunit niya mula sa mga naiwang damit ng dating mga empleyado. Nang matapos siya ay tumayo na ako at nagpasalamat sa kaniya. Si Celeste lang ata ang ka-close ko dito dahil kung ituring ako ng iba kong katrabaho ay kalaban. “Salamat ah, libre na lang kitang kape mamayang break,” wika ko at ngumiti. “Naku, wala 'yon! Sige na, mauna na ako ha!” Nang makaalis si Celeste ay huminga muna ako nang malalim at sinuot ang tsinelas sa kabilang paa, samantalang kabila ay sapatos. Nang akmang pupunta ako sa elevator para umakyat sa floor ng opisina ni Boss Damon ay nakasalubong ko naman ang dalawang lalaki na kapwa ko maintenance at mukhang kakagaling lang sa itaas. Napabuntong-hininga na lamang ako at nagpatuloy sa paglalakad ngunit agad naman akong hinarang ng dalawa. Mukhang aasarin na naman nila ako tungkol sa dati kong trabaho. Hindi ko nga alam kung paano nila nalaman ang tungkol sa sikreto kong iyon. “Oh, Atarah, okay ka lang? Mukhang napasabak ka kagabi ah? Overtime ka ba? Dami siguro customer?” salubong ng isa kong katrabaho sa maintenance na si Bernard. “Uy, Atarah, balita ko kasama mo si Sir lumabas ng building kagabi ah?” dagdag ng isa pang katrabaho ko na si Gerry. “Hanep ka! Baka naman, paisa—” “Wala bang matinong salita ang lalabas diyan sa bibig ninyo kundi kabastusan?” matapang kong sagot sa kanila. “Dalawa na nga ulo ninyo, pareho pang walang utak, jusko naman.” Matapos ko sabihin iyon ay tinaasan ko lang sila ng kilay at inirapan. Nang akmang lalagpasan ko sila ay basta na lang akong hinablot sa braso ng isa sa kanila at hinila dahilan para mawalan ako ng balanse at mapaupo. “Porke’t kinama ka lang ng boss natin, nagyayabang ka na ah?!” ani Bernard na bakas sa mukha ang inis. Napalunok ako ng laway at tumayo saka kinuha ang mop at paika-ika na lumapit sa kaniya. Itinaas ko ang mop na hawak ko at nang akmang ihahampas ko iyon ay bigla na lang may pumigil niyon. Napakurap naman ako dahil bakas sa mukha ng dalawang katrabaho ko ang gulat at nang dahan-dahan kong lingunin ang humawak sa dulo ng mop ay napaawang din ang aking labi. “G-Good morning, Sir!” namumutlang bati ng dalawa. Nang bitawan ni Sir Damon ang mop ay ibinaba ko na iyon at bahagyang napayuko. “G-Good morning, Sir—“ “I don’t tolerate violence here in my building,” ani Sir Damon sa seryosong tono. “Naku, Sir! ‘Yang si Atarah nananakit—“ “And so is s****l harassment,” dagdag ni Sir Damon dahilan para manlaki ang mga mata ng lalaki. “Sir—” “I heard and saw everything. I already called the HR and told her regarding your last payments,” ani Boss Damon at tinitigan nang matalim ang dalawa. “Both of you, pack your things and leave my building. You’re fired.” “Boss!” “Boss, sorry!” Kitang-kita ko ang mukha ng dalawang lalaki na tila ba pinagbagsakan ng langit at lupa matapos marinig ang sinabi ng boss namin. Napalunok naman ako ng laway ng lingunin ako ni Sir Damon at bumaba ang tingin sa paa kong binalutan lang ni Celeste ng pinunit na tela. “Follow me,” aniya at agad na naglakad. Nanlaki naman ang mga mata ko at napatingin pa sa dalawang lalaki na halos mangiyak-ngiyak dahil sa pagkatanggal sa trabaho. Napabuntong-hininga naman ako at mabilis na sumunod kay Sir Damon na naglakad papunta sa harap ng elevator para sa mga VIP. Hindi ko naman mapigilan ang maawa sa dalawa dahil kahit sino manghihinayang dahil mahirap maghanap ng trabaho ngayon. Nang bumukas ang elevator para sa VIP ay agad siyang pumasok at ako naman ay nilingon ang regular elevator. “What are you waiting for? Get in,” aniya na nagpalaki ng mata ko. “Po—“ “Get in, Atarah. Huwag mo ng ipaulit sa akin.” Nakagat ko naman ang labi ko at tumango saka pumasok habang hila ang gamit ko pang-linis. Nang makapasok ay siya na mismo ang nagpindot ng palapag at nilingon ako. “How’s your ankle? P’wede ka namang lumiban sa trabaho,” aniya na sinulyapan ang aking namamagang paa. Napangiwi naman ako at umiling. “Naku, hindi na. Kailangan kong magtrabaho kahit may spring ankle—“ “Sprained ankle,” pagtatama niya sa akin dahilan para matawa ako nang pagak. “Sprained ankle,” ulit ko at nag kamot ng ulo. Nanatiling tahimik ang pagitan naming dalawa hanggang sa makalabas ng elevator. Nakasunod pa rin ako sa kaniya at nang marating namin ang kaniyang opisina ay pinagbuksan niya ako ng pinto. Napalunok naman ako ng laway at pumasok hila-hila ang aking gamit pang-linis. Pumasok na rin siya sa loob at ipinatong ang kaniyang bag sa kaniyang table saka hinubad ang sout na suit na sinabit niya naman sa tila kahoy na sabitan. “Sit down,” utos niya sa akin na agad kong ginawa. Pinanood ko lang siyang pumasok ng banyo habang niro-rolyo pataas ang kaniyang sleeves. Nang makalabas siya ay may bitbit na siyang first-aid kit na ikinakunot naman ng noo ko. Hindi kaya may injury siya? “Sir Damon, ayos lang po kayo? Bakit may dala kayong first aid? May sugat po ba kayo? Nasaktan?” sunod-sunod kong tanong sa kaniya. Nang makalapit siya sa akin ay umupo siya sa harapan ko at walang sabi-sabi niyang inabot ang aking paa. Napasinghap pa ako at nang subukan kong bawiin ay tinapunan niya ako nang matalim na tingin kaya wala na akong nagawa kundi magpaubaya. “Stay still, I will change the bandage,” aniya at dahan-dahan na inalis ang bendang gawa sa tela. “Sir, okay lang naman ako—” “This seems not okay to me,” aniya habang nakatitig sa paa ko. “It's swelling. You need to go to the hospital—” “Ay, huwag na, Sir. Yung igagastos ko sa hospital, ipambabayad ko na lang sa tuition ni Alora—” “Your sister who accused you of something you didn't do?” Bakas sa mukha niya ang pagkadismaya at naiintindihan ko naman iyon. Huminga ako nang malalim at ngumiti sa kaniya. “Mabuting bata si Alora, Sir. Kailangan ko lang magpaliwanag sa kaniya ang mga nakita niya. At saka, hindi naman ako pokpok, dancer lang.” Natigilan siya sa kaniyang ginagawa sa aking paa at mataman akong tinitigan, na para bang natulala na siya sa ganda ko. Syempre, joke lang kasi malabong mangyari iyon. Nang mapansin kong nakatitig pa rin siya sa akin ay tumikhim na ako at tinapik siya sa balikat dahil baka manigas na siya sa kaniyang kinauupuan. “Sir? Oks ka lang ba?” tanong ko dahilan para bumalik siya sa huwesyo. Tumango lang siya at napapakurap saka itinuon ang tingin sa paa ko. Tahimik lang siyang nilagyan ng bandage ang paa ko at nang matapos ay tumayo na siya at binalik sa banyo ang first aid kit. Napangiti naman ako at nang lumabas na siya ng banyo ay basa na ang kaniyang mukha dahilan para kumunot ang noo ko. “Sir? Salamat po, magsisimula na po akong maglinis—” “No,” mabilis niyang sagot sa akin. “No? Bakit po?” “Sit down and stay still,” aniya na hindi nakatingin sa akin. “You should avoid any movement for the mean time.” Nanlaki naman ang mga mata ko sa kaniyang sinabi. Bawal akong gumalaw? Paano ako magta-trabaho? Sa imagination, ganoon? “Pero, Sir. Hindi po p'wede baka hindi ako bayaran ng HR—” “Sino ba nagpapasahod sa 'yo?” mariin niyang tanong at nilingon ako. Hindi ko maiwasan ang mapalunok ng laway dahil bukod sa basa ang buhok niya sa bandang noo dahilan para bumagsak ang kaniyang bangs ay naka-kalas din ang kaniyang necktie. Tumikhim naman ako at nag-iwas ng tingin dahil tila ba natuyot ang lalamunan ko.’ “I-Ikaw po—” “Alam mo pala e,” aniya, “Now, follow my order—” “Order?!” bulalas ko at napatingin sa kaniya. “Ano po order ninyo? P'wede makisabay ng French fries—” “Atarah,” tawag ni Sir sa pangalan ko na para bang nagpipigil lang na ibalibag ako dahil sa inis. “P-Po?” He sighed. “Just... Just stay and don't leave.” Napaawang naman ang aking labi nang sabihin niya iyon dahil feeling ko may ibang ibig sabihin ang mga salitang binitawan niya. Nakatitig lang siya sa akin habang nag-hihintay ng sagot ko kaya naman ngumiti ako at tumango. “Hindi po ako aalis, Sir Damon.”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD