ATARAH NAPAIGTAD AKO NANG MARINIG KO ANG tunog ng aking cellphone kaya agad kong kinuha iyon mula sa aking bulsa para tingnan ko sino ang tumatawag. Kumunot naman ang noo ko nang makita sa screen ang pangalan ni Sir Damon. Nag-text na ako sa aking manager na hindi muna ako papasok ngayong araw dahil kailangan kong ihatid si Alora sa pier. Kailangan na niyang umuwi sa probinsya namin dahil nag-aaral pa rin siya. “Hello, Sir—“ “Where are you?” mabilis na tanong ni Sir Damon sa akin na hindi man lang pinatapos ang aking pagsasalita. Bakas din sa boses niya na para bang nagmamadali siya. “Nasa bahay—“ “Why? Don’t you have a job today? Did you quit because of what Tyra did yesterday? What? Do you want a raise? A different job position—“ “Sir, kumalma ka nga, absent lang po ako ngayon,” s

