Chapter 19

1054 Words
Dahil hindi matanggap ni Linea ang desisyon ni Luis ay nagpasya siyang mag-isa. Isang araw pagkatapos niyang sabihin sa nobyo na magta-trabaho silang magkasama ay pumunta siya sa mansyon ni Sir Edward. ‘’Oh, bakit ka nandito? Pumayag na ba ang nobyo mo na mag-trabaho ka rito sa mansyon?’’ tanong ni Sir Edward, masaya siya dahil pumayag na si Linea sa offer niya. ‘’Ah, opo. Pumayag na po siya na mag-trabaho ako sa inyo pero ako na lang daw po, pagsisinungaling ni Linea kay Sir Edward. Kinakabahan si Linea pero wala na siyang magagawa. Nandito na siya ngayon kaya wala na itong atrasan pa. Gagawa na lang siya ng paraan kung paano niya itatago sa nobyo niya ang sikretong ito. ‘’Eh mabuti naman kung ganoon. Sige, magsimula ka na ngayong araw. Buti na lang at maaga kang pumunta rito. Maaga ka ring matatapos niyan,’’ sabi ni Sir Edward kay Linea. Pagkatapos noon ay pinag-usapan naman nila ang mga dapat at bawal gawin sa trabaho. Isa sa kanilang pinag-usapan ay ang sweldo. Intindi naman iyon ni Linea. Isa pa, wala naman siyang ibang intesyon kung hindi ang mag-trabaho. Ang gusto niya lang ay makatulungan talaga sa kanyang nobyo. ‘’Maraming salamat po, Sir Edward. Makakaasa po kayo na talagang pag-iigihan ko ang trabaho ko sa inyo,’’ sabi ni Linea. ‘’Alam ko namang may mabuti kang puso. Noong una pa lang kitang makilala ay alam ko na mabait ka. Maraming salamat din sa iyo,’’ sagot ni Sir Edward. ‘’Ay, maraming salamat po talaga,’’ sagot ni Linea. Pagkatapos nang usapan na iyon ay nagsimula na ngang mag-trabaho si Linea. Maalam naman siyang maglaba kahit paano dahil naturuan siya ng Nanay Beth niya. Kapag may lalabhan si Nanay Beth noon ay kasama siya kaya nakikita niya noon kung paano ang tamang paglalaba ng mga damit. Nanay Beth, kamusta ka na? Miss na miss na po kita. Gusto ko pong humingi ng tawad sa nagawa kong kasalanan. Alam ko pong pinayagan niyo naman ako na mahalin si Luis pero alam ko rin po na ayaw niyo noon para sa akin. Salamat, Nanay Beth. Salamat dahil mas pinili mo ang nararamdaman ko kaysa ang mararamdaman ninyo ni Tatay Isidro. Habang naglalaba siya ay hindi na niya namalayan na naiyak na pala siya. Noong napansin na niya iyon ay natawa na lang siya sa kanyang sarili. “Ano ka ba naman, Nay? Naisip lang kita ay pinaiyak mo na ako eh. Huwag ka namang ganyan. Nagta-trabaho pa po ako. Mamaya na lang akong iiyak ha?’’ sabi niya, wala namang nakakarinig sa kanya. Unang araw pa lang ng kanyang trabaho ay ayos na siya rito. Sobrang pala-kaibigan naman ng mga kasamahan niya kaya ayos na iyon. ‘’Kamusta unang araw mo? Ayos naman ba?’’ tanong ng isa sa mga kasama ni Linea sa trabaho. ‘’Ah, opo. Ayos naman ako sa unang araw ko rito. Ang babait niyo po. Mukhang wala naman po akong magiging problema sa inyo rito,’’ sagot ni Linea. ‘’Maganda iyan. Sana ay tumagal ka pa rito. Oo, maayos naman ang mga taong makaka-trabaho mo rito kaya ayos iyan,’’ sabi noong isang kasambahay nasa edad 30 na ito. Dumating ang hapon at pa-uwi na si Linea sa apartment nila. Inagahan niya ang uwi dahil alam niyang 5:00 ng hapon ang uwi ni Luis. Kailangang mauna siya bago ang kanyang nobyo dahil tiyak na hahanapin siya nito. Maraming salamat naman at may trabaho na ako. Ang problema ko na lang ngayon ay itago kay Luis ito. Paano? Kaya ko kayang itago? Tiyak na papagalitan niya ako kapag nalaman niya ito. Pagdating niya sa apartment ay nakahinga na siya nang malalim. Nauna kasi siyang umuwi. Wala pa si Luis doon noong dumating siya. Agad tuloy siyang nagluto ng hapunan para hindi mainis si Luis sa kanya. Pagdating ni Luis ay hinanap niya agad si Linea dahil may magandang balita siya para rito. May hawak-hawak siyang cellphone noon. Nagtaka si Linea dahil wala namang ganoon si Luis. ‘’Oh, kanino mo naman nakuha iyan? Saka, bakit ka may ganyan? Ang saya-saya mo rin ah?’’ tanong ni Linea sa kanyang nobyo. ‘’Ito na ang sagot sa mga problema mo, mahal ko. Hiniram koi to sa kaibigan kong si Dos. Pinahanap ko na rin sina Nanay Beth at Tatay Iidro. Buti na lang at may kakilala ako na pwedeng tumulong sa akin kahit na bago pa lang tayo rito. Ano? Handa ka na bang makausap ang mga magulang mo?’’ sagot ni Luis. Nang marinig iyon ni Linea ay may halong takot at saya ang kanyang puso. Takot na baka hindi siya kausapin ng pamilya niya at saya dahil may daan na para mag-usap sila ng Nanay Beth niya. ‘’H-Ha? Paano mo naman nagawa ito, mahal ko? Maraming salamat. Maraming salamat dahil ginawa mo ito para sa akin. Pero, bakit? Hinayaan mo na sana akong gawin ito,’’ nahihiyang sagot ni Linea kay Luis. ‘’Ano ka ba naman, mahal ko? Ginawa koi to dahil ayaw kong mahirapan ka. O sige na, tawagan mo na si Nanay Beth para makausap mo na siya. Alam kong miss na miss mo na sila at todo alala ka na kaya ito na,’’ sagot ni Luis at binigay niya kay Linea ang cellphone at papel na naglalaman ng number ng kapitbahay nina Nanay Beth. Kinuha naman iyon ni Linea. Kaya lang, sobrang nagu-guilty siya dahil hindi niya sinabi na tutuloy pa rin siya roon sa trabaho niya kay Sir Edward. Pakiramdam tuloy niya ay may malaki siyang kasalanan kay Luis. Napansin naman ni Luis na para bang najhihiya si Linea sa kinikilos niya. Kinausap niya ito at pinakalma. ‘’Oh, bakit parang ayaw mo nang kausapin si Nanay Beth ngayon? May problema ba? Tinawagan ka na naman ba ni Glory kaya natatakot ka na ngayon?’’ tanong ni Luis. ‘’Ah, wala naman. May naisip lang ako. Akin na, tatawagan ko na si Nanay Beth. Sana talaga ay sumagot siya. Gustong-gusto ko na kasi siyang makausap eh,’’ sagot ni Linea pero nasa isip pa rin niya ang panloloko niya kay Luis. Pasensya ka na, mahal kong Luis. Hindi ko akalain na ito ang gagawin mo para sa akin. Sobrang nahihiya ako sa iyo ngayon dahil sa pagtatago ko ng katotohanan sa iyo. Huwag kang mag-alala, sasabihin ko rin sa iyo ito sa tamang panahon.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD