Lahat ng makita namin ni Deon na mga taong pumapasok dito sa aming tahanan ay walang babala naming pinagbabaril.
Wala na akong paki alam sa mga bangkay na nagkalat. Mga hayop sila! Bakit ba ang dami dami nila!
"Deon! mag iingat ka. Huwag ka munang mamatay! Pupuntahan ko muna ang tiyang" mabilis na hiyaw ko rito.
Nginitian na lamang ako nito.
Wala na akong paki kung puro bahid na ng dugo ang aking damit at mukha. Mabilis ko namang nilagyan pa ng bala ang aking baril at dagli kong ikinasa ito.
Mabilis akong nagtungo sa kusina kung nasaan si tiyang.
Labis akong nanlumo sa kalagayan ng aking tiyang. Hindi ako makagalaw sa aking kinatatayuan para akong naestatwa sa aking nasaksihan.
Si tiyang, naliligo sa sariling dugo.
Mabilis akong lumapit dito at walang takot kong niyapos ang aking tiya. Labis labis ang sakit na aking nararamdaman.
"Tiyaaaaaaaanggggg!!!!!!! Huwaaaaaagg, huwaaaag mo kong iiwaaaaann!!!.aaaaaahhhhhh!!!!" malakas kong sigaw
"h-hindi k-ko kkk-kaya. tiyaaaaanggggg!!!!!" hindi maampat ampat ang mga luhang sa aking mga mata. Puno ako ng hinagpis.
"putangggggg inaaaaaaaa niyoooo!!!! magbabayaaaad kayooo!!!! mga hayoooooop!"
mabilis kong kinalabit ang gatilyo at ilang beses pa akong nagpaputok sa kawalan. Hindi ko matanggap ang nangyari sa aking tiya. Titiyakin kong magbabayad sila!!!
"Tina..." nilingon ko ang taong nagsalita. Si Deon.
Mariin naman akong niyakap nito sa aking likuran habang yakap yakap ko ang wala ng buhay na aking tiya.
"Deon, kailangan na nating ilibing si Tiyang. Nakakatiyak akong darating pa ang ibang kalaban. Hindi na rin ako magpapaburol." Mariin kong wika dito.
Mabilis naman akong tumayo at inayos ang higa ng aking tiya dahil anumang oras ay ililibing na namin ito.
Mabilis naman akong nagtungo sa aking kwarto at inayos ang lahat ng aking mga gagamitin.
Binuksan ko ang aking secret room kung saan nakatago ang aking mga kagamitan. Mukhang ito na ang tamang panahon para magamit ko ito.
Kinuha ko ang Gloc 43X, Sig P365, at ang paborit ko sa lahat ang silencer. Kumuha rin ako ng mga kutsilyo na pwede kong isukbit sa kung saan man sa aking katawan.
Ng alam kong kumpleto na ang aking mga armas ay mabilis na akong kunilos palabas aking secret room at nagtungo sa banyo upanh kahit papaano ay mawala ang panlalagkit ng aking katawan dahil sa mga dugong tumilamsik sa akin
Malakas kong binuksan ang shower. Kahit papaano ay nakatulong ang malamig na tubig upanh maibsan ang aking nararamdaman.
Kasabay ng pag agos ng tubig ay siyang bagsak ng aking mga luha. Ipaghihiganti ko kayo, tiyang. Ipinapangako ko iyan. Mariin ko na lang ikinuyom ang aking kamao.
Makalipas ang ilang minuto ay natapos din ako sa aking pagligo.
Mabilis akong isinuot ang aking mga damit.
Nagsuot na lamang ako ng black fitted almost turtle neck round T-shirt at black fitted skirt. Wala ako sa mood na purihin ang aking sarili ngayon. Bahagya ko na lamang inayos ang bangs at mabilis na sinuklay ang aking unat na unat na neck level hair style.
Naglagay din ako ng thigh holster sa kanan kong hita at thigh sheath sa kaliwa kong hita.
Agad kong dinampot ang aking mag gagamitin na inilagay ko sa aking maliit na backpack. Inilagay ko rin ang kahong sinasabi ng tiyang na aking itatago. Mamaya ko na lamang iyon bubuksan pagkatapos ng libing ng tiya.
------------------------
"Tina, mukhang malaking tao ang nanloob sa inyo ngayon. Duda akong may kinalaman ito sa pagkawala ng iyong mga magulang" seryosong anas sa akin ni Deo.
" Nakatitiyak ako na mayroong kinalaman ito sa susing inihabilin sa akin ng aking tiya. Kailangan mo akong samahan sa underground upang ipagbigay alam sa organisasyon na itutuloy ko na ang pagiging agent" may diin kong wika dito.
Nagsalimbayan naman ang mga ngiti sa labi nito nang marinig nito ang aking tinuran.
"Mabuti naman at napag isipan mo ng maging kasapi ng The Infiltration. Nakatitiyak akong matutuwa nito si bossing" masayang turan ni Deon. Mababakas ang tuwa sa kanyang mga mata.
Matagal na rin naman akong nakapasa sa training. Iniisip ko lanh ang una kong pangarap na maging isang tanyag din na mamamamahayag. Mangyayari pa naman ito kapag naipaghiganti ko na si tiyang at nahanap ang aking mga magulang.
Malakas na lamang akong napabuga ng hangin nang unti unti nang tinatabunan ng lupa ang aking tiyang. Dinala namin sya agad dito sa sementeryo.
Hindi ko pa rin mapigilang maluha sa sinapit ng aking tiyang. Naramdaman ko naman ang mahinang tapik ni Deo bago ito tuluyang umalis. Alam ko namang hihintayin ako nito sa sasakyan nito upang bigyan ako ng pagkakataong makapag paalam sa aking tiya.
"sinisiguro ko sayo na makukuha mo ang hustiya tiyang. Hanggang sa muli"
Malungkot na lamang akong tumingala sa kalingatan at mariing ipinikit ang aking mga mata nang maramdaman kong may bagay na tatama sa aking ulo. Agad kong inangat ang aking kamay upang saluhin ang bagay na ito.
Sinasabi ko na nga ba at hindi sila titigil makuha lamang ang susing sinasabi ng aking tiyang. Mabilis kong inangat ang aking paa upang salubungin ang taong papalapit. Buong lakas kong sinipa ito sa kanyang sikmura at sing bilis ng kidlat kong kinuha ang aking kutsiyo at baril na itinago ko sa aking mga hita.
Walang sisi kong kinalabit ang gatilyo ng baril at pinatamaan ang mga kalaban sa kani kanilang ulo. Sabay saksak naman sa isa pang kalaban sa aking kanan.
Mabilis akong tumambling papunta sa taas ng tatlong pinagpatong na puntod.
Wala akong paki makikita na ang aking panty. Mabuti na lamang at nakasuot ako ng rubber shoes. Mabilis lamang sa akin ang tumalon.
Mabilis naman akong tumalon papunta pa sa isang puntod dahil hinahabol ako ng tatlo pang kalaban.
Tinignan ko ang aking baril na hawak at chineck kung may bala pa.
"s**t!" malakas akong napamura dahil dadalawa na lamang ang aking bala at tatlo pa ang natitirang kalaban ko. Wala akong choice kundi ang saksakin ang isa at patamaan ang dalawa ng aking baril.
Paglapat ng aking mga paa sa lupa ay siya namang dating ng aking mga kalaban.
"Titiyakin naming makukuha namin sa iyo ang hinahanap namin! At titiyakin naming mamamamtay ka sa aming mga kamay!" sigaw ng pangit na ito
"Yun ay kung mapapatay ninyo ako!" Malakas kong sigaw dito. Agad kong hinanda ang aking sarili dahil mabilis silang sumusugod patungo sa akin. Hindi ako maaaring sumuko.
Sunod sunod naman akong tumambling patungo sa likod ng hindi kalakihang nitso dahil sunod sunod ang kanilang pagpaputok ng baril sa akin.
Sumilip ako ng bahagya, nakikita ko ang mga malademonyong ngisi ng mga hayup na ito.
Nang makakita ako ng pagkakataon ay mabilis akong lumabas sa aking pinagtataguan. At walang babalang binaril ang taong nakatalikod sa akin.
Labis akong natuwa at napangisi na dadalawa na lamang sila.
"one down!" Ngising anas ko.
Hingal na hingal naman akong tumakbo patungo sa isa pang kalaban at wala na akong sinayang na oras at tuluyan kong ibinaon sa leeg nito ang aking dalang kutsilyo.
Ngunit hindi ko namalayan ang mabilis na pag galaw nito at sinaksak ang aking tagiliran. Sobra akong napangiwi ngunit mas idiniin ko pa ang pagbaon ko ng kutsilyo sa leeg nito hanggang sa tuluyan na itong mawalan ng hininga.
Dali dali ko namang ginawang panangga ang ang taong ito dahil pinauulanan ako ng bala ng isa pang kalaban ko.
"tsk. tignan mo nga naman ang pagkakataon" mahinang anas ko dahil napansin kong nawalan na ito ng bala.
Mabilis ko namang kinalabit ang gatilyo ng baril at pinatamaan ito sa kanyang ulo.
"s**t! Tangina!" Malakas komg mura nang mapagtanto kong tuloy tuloy na umaagos ang dugo dahil sa sugat sa aking tagiliran. Duda akong malalim ang sugat na ito.
Inilibot ko ang paningin sa paligit ngunit hindi ko makita si Deon.
Paika-ika akong naglalakad habang hawak ang aking kutsilyo na aking gagamitin sa oras ng kagipitan.
Hanggang sa mapansin ko si Deo na hawak hawak ng isang tao. Kahit nanlalabo na ang aking paningin ay pilit kong inaaninag kung sino ito.
Mabuti na lang medyo kaya ko pang palinawin anv aking paningin.
Mabilis kong itinutok ang aking baril dito. Ito iyong baril ng kalaban ko kanina na aking pinulot.
Sa likod ni Deon ay isang taong nakakakilabot. Ngunit sadta ngang nakakabaliw ang tadhana dahil ang taong kaharap ko na hawak si Deon ngayon ay ubod ng kagwapuhan ngunit puno ng kabagsikan.
Ang mga mata nito ay sadyang napakadilim ngunit nakaka akit. Napaka kisig din ng pangangatawan nito. Kahit sinong mapapatingin dito ay tiyak na mahuhulog sa taglay nitong karisma.
"Ano ba Tina, nasa bingit ka na nga ng kamatayan ay kung ano ano pa ang iyong naiisip" kastigo nv aking isipan
Ipinilig ko ang aking ulo at seryosong tumingin dito habang nakatutok ang baril sa kanyang ulo.
Hanggang sa tutukan din ako ng mga tauhan nito ng naglalakihang mga baril.
"P-pakawalan m-mo s-sya!" nanghihinang anas ko. Dahil pagod na pagod at nang hihina na ang aking katawan. Idagdag mo pa ang aking sugat na patuloy na nagdurugo.
"tsk! Sige, pakakawalan ko siya kung ikaw ang kapalit" maawtoridad nitong wika
"Huwag, Tina. Mas gugustuhin ko pang ako na lang ang mahirapan" nang hihinang anas ni Deon na ngayon ay putok na putok ang labi nito at magang maga ang mga mata nito.
"Umalis kana Deon. Kaya ko ang sarili ko. Sige na!!!" Malakas kong wika dito.
Inilapit ko na lamang ang aking sarili sa taong may hawak ngayon kay Deon.
Ngunit sadyang hinang hina na ang aking katawan.
Hindi ko na kaya pang lumaban.
Dahil sa sobrang nanghihina na ang aking katawan ay tuluyan na akong bumagsak. Ngunit nakita ko pang pinakawalan nila si Deon.
May sinasabi si Deon. Nakuha ko naman ang nais ipahiwatig nito na babalikan niya ako.
Hindi ko napigilang lumuha.
Hindi pa ito ang aking katapusan. Hindi pa. Sinisigurado kong lalakas ako. At babalik ng maraming lakas at bala. Uubusin ko kayong lahat. Lintik lang ang walang ganti. Hanggang sa ipinikit ko ng tuluyan ang aking mga mata.
Ngunit naramdaman ko pang may bumuhat sa akin hanggang sa tuluyan na akong nawalan ng malay tao.